Posts Tagged ‘blush’

Nakakasakit na Titig

Naglakad-lakad pa ako sa loob ng bilangguan. Tila walang katapusan ang lawak nito. May mga bilanggong nakahandusay, may nakagapos, may tumatangis, may tumatawa at may naghihilik. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko ang isang kakaibang preso. Isang babaeng nakaupo sa sahig at nakagapos ang dalawang kamay sa likuran. Gula-gulanit ang kanyang damit, buhaghag ang buhok at nakayuko.

Lumapit ako sa mahiwagang bilanggo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman habang papalapit. At laking gulat ko nang iangat n’ya ang kanyang mukha. Si Katotohanan pala ang bilanggo. Tinanong ko s’ya kung bakit s’ya naroon. Ngunit laking pagtataka ko kung bakit magulo s’yang kausap ngayon. Di ko mawari kung s’ya ang magulo magsalita o ako ang magulo mag-isip. Bago ko lang na-realize na Bisaya pala s’ya, British accent nga lang.

Pinilit ko s’yang pakinggan at napagtugma-tugma ko ang kanyang ibig sabihin. Si Tuldok pala ang nagpabilanggo sa kanya. Ngunit bakit? Hindi ko na nagawang magtanong uli at baka dumugo na ang ilong ko. Naputol ang aking pagmumuni-muni nang bigla akong makaramdaman ng pagkirot ng dibdib. Nasasaktan ako sa mga tingin ni Katotohanan? Dahil ba sa isa akong sinungaling? Paano na kung um-attend to ng SONA? Baka may mamatay.

Natakot na ako. ayaw ko nang magsinungaling. Baka ikamatay ko pa. Lalo na’t hindi pa ako handa. At nagsimula na akong mag-panic. Aaminin ko na ba kay Katotohanan na crush ko sya? At sa pangalawa niyang titig, nagsimula na akong mag-blush.

Kabanata 17 ng seryeng kwentong dagta

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula