Bangang Naghihikab

Isang kakaibang artifak ang natagpuan ni Dr. Robert B. Fox sa Kuweba ng Leta-Leta sa Lagen Island, El Nido, Palawan noong 1965. Ang nasabing artifak ay isang bangang yari sa luwad na ang hugis ay tulad ng isang taong naghihikab. Tinatayang nagkakaidad ito ng 1,000-2,500 taon.

Ang nasabing banga na tinaguriang “The Yawning Jar” ay nakalagak ngayon sa Pambansang Museo. At ang mga replika nito ay makikita sa El Nido Tourism Office at Ille Cave archaeological site sa New Ibajay, El Nido, Palawan.

Kung ano man ang ibig sabihin ng paghikab ng banga ay di pa tukoy ng mga eksperto. Maaaring isang simbolo ito ng paghiling sa masaganang ani. Meron din isang haka-haka na ito ay aksidenteng tumabingi habang nasa proseso pa lamang ng pagluto at ginawan na lamang ng disenyong mata at tenga. Siguro naman ay hindi ito simbolo ng mga antuking mamamayan noong panahong iyon.

13 responses to this post.

  1. hehehe.. Antuking mamamayan??:D

    Tugon

  2. Posted by Ngiping_Kidlat on Hulyo 13, 2009 at 15:49

    ang katawagang naghihikab (yawning) ay tinawag lamang sa antropomorpikong banga na iyan dahil sa anyo nitong para ngang naghihikab. ngunit di po tayo nakatitiyak kung ano talaga ang sadya dahilan ng anyong iyan. Sa tingin ko po’y maaari itong iugnay sa mga antropomorpikong tapayang panlibing sa Maitum, Saranggani. may kinalaman po siguro ito sa konsepto ng loob o kalooban na nakaugnay din sa kaluluwa at ginhawa, dalawang pinakaimportanteng konsepto sa sikolohiya ng mga Pilipino.🙂 mahalaga po iyang banga dahil patunay po iyan ng nakatatag nang kapaniwalaan sa anito, kaluluwa, kabathalaan, kabilang buhay, at iba pang konsepto na bumubuo sa sistemang panrelihiyon.🙂

    Tugon

  3. Posted by tandangtomas on Hulyo 14, 2009 at 11:10

    ehersisyo ng isip, wala po akong background sa pilosopiya walang background sa anthro, nahilig lang akong tumula, at matanda na nang malaman kong napakabanu akong magsulat, ang problema marami na akong award at kailangan kong patunayang maiwawasto ko pa ang buhay kong inabot ng limang dekada bago ko nalamang ang buong buhay ko ay nakasabit sa kultura ng pag-aakala.

    tungkol sa paghihikab ng banga? wala din akong pundasyong akademiko dahil nahinto ako sa 3rd year high school sa isang sub standard na paaralan na pag nagkasabaysabay umihi ang palaka ay pumapasok ang baha sa kuwarto.

    mahilig lang akong sumabay at gumayang magpaintelektwal sa mga edukadong nakatapos sa kolehiyo.

    natural lang po ang pagtingin ko sa banga, tulad ng lahat ng bagay, hindi nabubuo ang anuman nang labas sa algoritmo ng lohika, tsansa… palagay ko, ang banga ay kusang idinesenyo para sumagap ng ulan, dahil wala pang ref noong panahong iyon at sa isang tropikal na lugar, masarap ang tubig na pinalamig; at siyempre pandispley, dahil bukod sa tubig, kailangan din ng unggoy ang yabang at pampapogi.

    ano kaya?

    Tugon

    • Posted by brokenform on Hulyo 14, 2009 at 12:37

      hmmmn… marahil po ay ganun na nga… para sumagap ng ulan o maari ring may ispiritwal na gamit… sana may ekspertong mag-aral dito para matukoy… kung hindi ito’y mananatiling misteryo dahil hindi tau nakapamuhay sa panahong iyon.

      Tugon

  4. Posted by tandangtomas on Hulyo 14, 2009 at 12:54

    ANO KA BA? ANG BUHAY ARAW ARAW AY ISPIRITWAL KAYA ANG LAHAT NG KAGAMITAN NATIN AY DAPAT MAGANDA, MAYABANG AT NAKAKAALIW
    ISPIRITWAL ANG DATING NG BANGA, HINDI HIKAB HINDI PAG-AANTOK, YAN AY PAGTITIYAK NA MASASAGAP NIYA ANG MATAMIS AT DALISAY NA ULAN KASI WALA PANG ACID RAIN YATA NOON

    Tugon

  5. Need po nmin yung MAITUM JAR with TAGALOG DESCRIPTION…San po ba pwedeng makahanap?..Help nman po please..

    Tugon

  6. ano po ba yan bangang maitum??????????????????

    Tugon

  7. bangang maitum po hiunahanap ko san ko po ba makikita??

    Tugon

    • Posted by brokenform on Hunyo 23, 2013 at 10:47

      search nyo po “sisidlan ng kasaysayan.” may naisulat po ako doon tunngkol sa Maitum.

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: