Kahulugan ng Hopya

Artwork by Kutchai Jovi

Artwork by Kutchai Jovi

Patuloy ang aking pagnguya ng hopya. Parang naiisip ko na wala talagang sense ang awit ni Palaka. Nagpasiya akong titigan ang hopya. Bilog s’ya, bilog na pagkain. Hmmmn. Hopya…   …bilog…    …pagkain? Pag-inog, pag-ikot ng pagkain sa gubat. Alam ko na! “Food chain” sa gubat ang nais iparating ng awit ni Palaka kung saan bahagi s’ya nito. Ang pagkawala ni Palaka ay pagkasira ng daloy ng inog ng pagkain. Ito’y ang pagkawala ng pagkain ng dating kumakain sa kanya hanggang sa ito rin ay mawala. At ang kumakain sa kumakain kay Palaka ay mawawala rin hanggang maubos ang buhay ilang sa gubat.

Salamat sa hopyang inawit ni Palaka. Ngunit ang hopyang ito’y di mabibili kapag inilako sa mga pulitikong nag-aakalang ang pag-unlad ay ang pagdami ng mga gusali, tulay at kalsada sa kabihasnan. At ang mga pulitikong ito ay nabubuhay din sa isang masamang uri ng food chain. Kinakain ng mga alkalde ang mga kapitan ng barangay habang sila’y kinakain naman ng mga gobernabor. At ang sistema ng pagsila sa mga mahihina ay nagpapatuloy hanggang sa pinakamataas na puwesto. Kawawa ang mga mahihinang mamayan. Sila ang pinaka-biktima ng mga hayok sa kapangyarihan.

Napabuntong hininga na lang ako’t nagtanong. Kelan kaya mababago ang sistema? Kelan magkakaroon ng pag-go-gobyerno mula sa ibaba…   …kung saan ang maliliit na mamamayan ang pinakamakapangyarihan? Kelan maiisip ng mga namumuno na sila ay alipin at hindi hari?

Na-i-stress lang ako sa kaiisip sa sitwasyon ng bansa kaya ibinaling ko na lang uli sa pagkain ng hopya ang atensyon. Apektado kaya ng katakawan ko sa hopya ang food chain dito sa Santa Putenciana? “Hindi lang food chain ng Santa Putenciana ang apektado,” wika ni Hugis. Shet! Nandito pala si Hugis! At nababasa pala n’ya ang nasa isip ko. “Sa lakas mong ‘yang kumain…,” dagdag ni Hugis at napatigil ako sa pagnguya ng hopya. “…apektado pati…    …ang EKONOMIYA NG BANSA.”

Kabanata 14 ng seryeng kwentong dagta

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: