Halik sa Mga Basang Rehas

tungk

Hindi ko maalala kung bakit ako napadpad sa kulungang ito. Ang huli kong naaalala ay nakatulog ako habang nagpipinta. Di ko alam kung sino nagdala sa akin dito. Kakatwa ang nangyayari ngunit gising ako. Alam kong gising na gising ako ngayon.

Ipinasya kong bumangon mula sa pagkakahandusay sa malamig na sahig. At ako’y naglakad sa madilim na kulungan, sinusuri ang kapaligiran at inaalam ang mga bagay na naroroon. Malawak pala ang kulungan. Napakaraming rehas. At sa dako pa roo’y may naaninag akong mga bilanggong tila dantaon nang nanatili. Ang isa’y nakahandusay sa sahig, naliligo sa sariling pawis at dugo, umuungol at umuusal ng mga daing na tila bathala lamang ang pwedeng umunawa. Ang isa nama’y tumatawa, tila aliw na aliw sa pagkakagapos sa isang sulok.

Natuon ang aking pansin sa ikatlong bilanggo. Nakaupo s’ya sa tabi ng rehas. Walang emosyon ang kanyang mukhang nakadikit sa rehas ngunit patuloy ang pagpatak ng kanyang luha. Lubos akong nagambala nang tagpong ‘yon. Tila sumisikip ang aking hininga at  unti-unting humuhulagpos aking kaluluwa mula aking katawan. Pasikip nang pasikip ang aking hininga nang bigla, nakahagilap ang kamay ko ng inhaler at sininghot. Ayun, nakahinga uli ako.

Habang ninanamnam ang kaginhawaang muling nasumpungan ay napatitig ako sa mga rehas. Wala na doon ang ikatlong bilanggo. Ngunit naiwan ang kanyang mga luha sa rehas na tila may nais ipahiwatig sa akin.  Napa-buntong hininga ako’t nagmuni, nag-isip nang malalim. At ngayon ko lang na-realize…    …na nandun pala ang ikatlong bilanggo…   …sa kabilang sulok at nagmimiryenda.

Kabanata 16 ng seryeng kwentong dagta

2 responses to this post.

  1. anong minimeryenda mo? MONAY? ANONG KLASENG MONAY – May monay na parang generating power ni superman o sinumang makata.

    pare ko hindi pwedeng maghiwalay ang katawan mo’t kaluluwa – ang kaluluwa ay koryente ng gumagana mong pisikal organ,

    palagay ko lang… ang kaluluwa pag nawala, (hindi nakawala) dedo na tayo…

    pero ang artist may 3rd soul – immortality – yun ang kanyang legacy, – kung anuman yun, pantasyang kong mahuli nang buhay (pa ako)…

    Aw, monay – monay – monay na naghihibla ng nimbus na ulap sa magkabilang tabi, kasing ligamgam ng kilikili ni mariang sinukuan ang titighaw sa uhaw ng ating ispirito’t laman

    Tugon

    • Posted by brokenform on Hulyo 23, 2009 at 08:00

      salamat po sa matalinghigang monay… tama po kau imortalidad ang ikatlong kaluluwa ng artist.

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: