Kahulugan

Photo by TJ Gallardo

Photo by TJ Gallardo

Nandito ang kahulugan ng mga terminong pilosopikal, pangsiyensiya at matematika:

Esensiya [Essense]– ang pagiging ano ng isang bagay. Mukhang mas lalong magulo. Basta ito ay kung ano ang isang bagay. Halibawa ang esensiya ng bato ay ang kanyang pagiging bato. Anlabo no? Basta kung hindi mo maintindihan comment ka lang sa baba. At magiliw kitang sasagutin.

Hirap kaseng i-translate ang english definition: “that which makes a thing what it is.”

Hugis [Form] – ang kabuuang hugis ng isang bagay na nagbibigay ng kasinuhan sa kanya at ng kanyang pagkakaiba sa ibang bagay. Ito ang lagom na s’yang nananatili sa ating isipan [balintataw at memorya] kahit wala na ang totoong umiiral na bagay.

Hugis Matematikal – mga hugis na pinag-aaralan sa geometri tulad ng linya, tatsulok at kubiko.

Arkeyolohiya – isang sangay ng agham tungkol sa paghuhukay at pag-aaral ng mga buto ng mga sinaunang tao, ng kanilang mga kagamitan at iba pang artifak.

Astonomiya – sangay ng agham tungkol sa pag-aaral ng paggalaw, sukat at komposisyon ng mga bagay sa kalawakan tulad ng planeta, kometa at bituin. [Iba ito sa astrolohiya na kunektado sa horoscope].

Kosmolohiya – sangay ng pilosopiya tungkol sa pag-aaral ng mga prinsipyo nagpapagalaw sa mga bagay sa buong uniberso. Ang ipinagkaiba n’ya sa astronomiya ay ang hindi paggamit ng matematika, bagaman, ginagamit pa rin ang geometri at bilang  upang suportahan ang argumento.

Sa astronomiya ang lenguwahe ay matematika habang sa kosmolihiya naman ay rason o pangangatwiran.

One response to this post.

  1. Posted by tandangtomas on Hulyo 14, 2009 at 13:08

    IPAGPATULOY PO ANG TRABAHONG ITO, KAILANGAN NG KABATAANG PINOY LALO NG MGA ARTIST NA MAHILIG SA PANTASYA, SABI NI RICHARD DAWKINS

    SCIENCE NEEDS TO BE TRANSPORTED FROM THE LAB INTO THE CULTURE

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: