Tanawin sa Takipsilim

Hindi panaginip ang nangyari. Tiyak kong hindi dahil naririto sa kamay ko ang lumang kalendaryo. Ngunit bakit naririto akong bigla sa barong-barong ko sa bukid? Sino na naman ang nagdala sa akin dito? Marami nang kakatwang nangyayari sa akin ngayon na di ko maipaliwanag. Napuruhan kaya ako ng katol na hinitit ko noon? May epekto pa kaya ‘yun kahit na matagal ko nang itinigil ang nasabing kahibangan?

Naguguluhan man ay ipinagpatuloy ko ang aking buhay. Nilinis ko ang dampa at nagsibak ng kahoy. At matapos ng maghapong pagpapagal ay naupo ako sa hagdanan, tinatanaw ang paglubog ng araw. Tila nagbabadya ng masalimuot na lakbayin ang paglamon ng karimlam sa liwanag. Ngunit isang bagong pag-asa naman ang tila hatid ng mga talang unti-unting naglilitawan. Ang sabi sa lumang kalendaryo, kapag nagtapo ang buwan at ang planetang Mars, ito na ang hudyat ng paglusong sa daigdig ng tuldok. Sa tant’ya ko ay isang linggo pa ang aking hihintayin.

Naalala ko ang sinabi ni Mad Scientist. Ang mga talang nakikita ko ngayon ay maaring wala na sa kasalukuyan. Dahil sa layo nila, naglalakbay ang kanilang liwanag nang daang-libo hangang milyon-milyong taon. Maaaring ang mga nakikita ko ay liwanag na lamang ng mga patay na bituin. Hindi ko malimi ang napakalaking agwat ng mga mundo. Ganito na ba kalaki ang uniberso? Ano ang saysay ng tao na maliit pa sa tuldok kung ihambing dito?

Naisip ko bigla, ba’t ko nga ba pinahihirapan ang aking sarili? Ano naman ang kinalaman nito sa buhay ko? Kikita ba ako ng pera kapag inisip ko ito? Kung po-problemahin ko ba ang mga bagay na ‘yan ay magkakaroon ako ng lupang sasakahin at magkakaroon ng bigas na isasaing? Isasaing, hmmmn… isasaing… isasaing. Siyeet! Nasusunog na ang sinaing ko!

Humupa na ang aking tensiyon sa nasunog na sinaing. Nakakain na rin ako ng sunog na tutong. Nasa hagdanan na uli ako, nakapangalumbaba at nagpapakalma. At ngayon, nasabi ko na sa sarili ko habang nakatitig sa mga bagay sa kalawakan…   … I HATE ASTRONOMI.

Kabanata 18 ng seryeng Kwentong Dagta

5 responses to this post.

  1. pwede next horror story na may comedy.. ehehe nakakatuwa nman

    ang galing mo nman.. sana magmana inaanak mo ahaha

    Tugon

  2. naku ganyan naman lagi. hanggang ngayon di ko parin alam sino iboboto ko hehe.🙂

    Tugon

  3. naku mali. para sa kabilang post ang comment ko sa taas. tungkol sa pamamalengke mo hehe. sorry

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: