Dagta

DSC03096

Photo by Pamela Gabuco

Marahil ay nagtataka ka kung bakit ang pamagat ng blog na ito ay “Mga Kathang Isinulat sa Dagta.” Ano ba ang dagta at ano ang nilalaman ng katha? Puwes, basahin mo ito, kung talagang curious ka:

Dumaloy ang dagta mula sa sugat ng puno; isang simbolo ng mapait na nakaraan. Sinulatan ito ng mga kathang hinalaw mula sa nadidimlang isip. Nag-iwan ito ng mga titik sa dagta. At nang matuyo, ang mga titik ay nanatili…

Sugatan ang may akda, mapait ang kanyang nakaraan at mula dito ay isinulat ang mga kathang ito buhat sa kanyang mga repleksyon. Merong tungkol sa buhay, kalikasan, pulitika at pag-iral.

Sa dagta isinulat ang katha. Ang dagta ay madaling hubugin at sulatan habang basa ngunit kapag natuyo ang mga titik ay nananatili at nababasa ng ilang kaluluwang nagnanais na makapulot ng konting mapaglilibangan. At nawa tulad tulad ng titik sa dagta ay manatili sa kanilang isipan ang nilalaman ng mga katha.

6 responses to this post.

  1. hmmm.. “Sugatan ang may akda”..

    Tugon

  2. Posted by tandangtomas on Hulyo 13, 2009 at 15:40

    madagta kang magblog, nakakaengganyo na maggawa ng blogsite, gurang na kasi ako at limitado ang alam sa revolutionary communication,

    sa susunod na maligaw ako sa internet shop, bubusisiin ko itong site mo, nakakaaliw

    Tugon

  3. malalim ang tagalog mo:D

    Tugon

  4. Posted by daluyon on Nobyembre 2, 2009 at 13:27

    di maarok ang pinag hugutan ng katha ni dagta..
    isang pagpapahiwatig na nanalaytay sa kanya ang tunay na dagta ng Pilipino..
    isang pagpupugay mula sa akin…

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: