Layunin

101_3852

Photo by TJ Gallardo

Ano ang misyon ng “Mga Kathang Isinulat sa Dagta?” Ano nga ba? Para saan nga ba’t sinulat ko to? Wait! mag-iisip muna ako ha. Hmmmn… ayun, may naisip na ako. Isinulat ko ito upang ibahagi sa inyo ang ganda ng mga ideyang nadampot ko’t nakulimbat sa mundo ng kabaliwan. Well, hindi ko naman ini-expect na pasukin n’yo ang mundo ko na puno ng kahindik-hindik na pakikipagbuno upang ibangon ang katinuan. Ang nais ko lang ay masilip n’yo na sa dilim pala ng mundo ng mga buang ay may tumatanglaw na napakagandang liwanag… na nagmumula sa isang bumbilya.

Bilang paglalagom, nakikini-kinita ko na habang binabasa n’yo ang mga sinulat kong mga katha ay:

  1. Mababanaagan n’yo ang misteryo ng pag-iral.
  2. Papahalagahan n’yo ang kalikasan.
  3. Isusumpa n’yo ang mga trapo sa lipunan.
  4. At matututunan n’yo ang tamang poise sa pagkain ng litson.

Nababanaagan ko na rin ang inyong pagbulusok sa kalawakan ng walang saysay at pagsasayang ng oras sa mga walang ka-kwenta-kwentang bagay. At sa huli ay maipagmamalaki n’yo, at least sa sirili n’yo, na meron din pala kayong natutunan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: