Arvinic

Bimboy ang tawag sa akin ng mga malapit na kakilala at kamag-anak. Arvin Acosta ang totoo kong pangalan. Nakatira ako sa El Nido, Palawan at nagta-trabaho dito bilang tourism officer. Isa rin akong scuba diver. Nagtapos ako nang cum laude sa kursong pilosopiya, ayon sa tradisyon ni Aristotle, at naging interasado sa pragmatismo at diyalektiks. Kasalukuyan kumukuha ako ng Master in Management Major in Industrial Psychology. Libangan ko naman ang mag-pinta sa mga bakanteng oras.

Sa larangan ng pilosopiya, madalas umikot ang repleksyon ko sa pag-iral, lawak, hugis, panahon, at iba pang mga usapin sa larangan ng kosmolohiya, epistimolohiya at metapisika. Naisulat ko ang blog na ito upang ibahagi ang mga repleksyong iyon kalakip ang mga ibang isyu sa buhay at lipunan.

Sa pagpipinta, marahil ay makasarili ako. Marami sa kanila ay ayaw ko ibenta. Parang naka-ugat na sila sa aking pagkatao. Tumitingin ako lagi sa kanila at naiibsan ang mga sugat sa aking pagkatao. At ayaw ko na silang mawala sa aking paningin. Kaya balik ako nang balik sa Balay Tubay Galeri.

Silver medalist ako sa On-the-Spot Poster Making Contest noong High School sa Palawan State University; 1st Placer sa On-the-Spot Painting nung college sa Seminario de San Jose at 3rd Placer [basagnabwan] sa Kalinawa Art Exhibit sa Asturias Hotel, Puerto Princesa City noong 2007. 1st exhibit ko to sa tanang buhay ko. Buti na lang inimbita ako ni Jonathan Benitez. Ang 2nd exhibit ko ay sa Pintura Galeri sa Provincial Capitol ng Palawan noong Baragatan 2007 kasama ang members ng Palawan Visual Arts Guild. Sa ngayon, wala pa rin akong solo exhibit.

Nag-try din ako mag-compose. Sumali sa Liturgical Songwriting Contest sa Immaculate Conception Cathedral sa Puerto Princesa City. Naka-1st Place din ang tangi kong entry na “Panginoon Maawa Ka.” Mula noon di na ako naka-compose uli. Balang araw babalik din siguro ako sa mundo ng musika. Di ko lang alam kung kelan [na-update ko na, Ate Cha, sinama ko na music]. Naging Editor-In-Chief din ako ng Palawan Major Seminarians’ Newsletter.

Nais ko rin ilabas ang mga nakatawang karanasan ko sa buhay [hopefully, matawa rin sana kayo]. Dati kase akong gumagawa ng script sa comedy shows nung college [sa seminaryo]. Aktor din ako minsan sa mga show na un.

6 responses to this post.

  1. Galing mo talaga kuya Arvin.. Sayo ako kumukuha ng inspirasyon na ipagpatuloy ang nasimulan kong adhikain sa aking buhay na magsulat ng tula, nobela, o ano pa man.. Kahit walang nakakaintindi sa mga yaon, masaya na rin ako kasi nailalabas ko ang nilalaman ng puso ko..

    Tugon

  2. Posted by dagta on Hunyo 16, 2009 at 06:18

    Sa larangan ng sining, ang mahalaga ay ang pagiging totoo ng ekpresyon na nagmumula sa iyo. Natutuwa ako kahit papaano ay nakapagbibigay ako ng inspirasyon sa iyo.

    Magsulat ka lang nang magsulat. At magbasa ka lagi ng mga sinulat ng iba’t ibang may akda. Unti-unti makikita mo ang mga akmang estilo na nababagay sa ekpresyon mo. Puwede ka ring gumawa ng sarili mong estilo. Huwag kang matakot na sumubok at huwag kang matakot sa puna.

    Tugon

  3. malayo na ang narating mo sa buhay. marami ng paraan ang ginawa mo mailarawan ang iyong sarili, may isang bagay kang nakalimutang ilathala, ang iyong pagiging kompositor at musikero.

    Tugon

    • Posted by brokenform on Hulyo 13, 2009 at 22:32

      salamat sa pagpapa-alala ate cha. balang araw babalikan ko uli ang mundo ng musika…

      Tugon

  4. Posted by brokenform on Hulyo 13, 2009 at 22:53

    naidagdag ko na ung sa mundo ng musika… …sana minspire uli ako na balikan ito.

    Tugon

  5. Posted by tandangtomas on Hulyo 15, 2009 at 14:54

    KAY MISSY,

    SANG-AYON PO AKO SA PAYO SA IYO NI ARVIN, MAGSULAT KA NANG MAGSULAT, PARA MAILABAS MO ANG NASA LOOB NG IYONG PUSO,

    AT ANG PUSO, AY NAKATOKA PARA MAGBOMBA NG DUGO NA IRIGASYON SA ATING UGAT, PARA MANATILING MAY BUHAY AT KULAY ANG ATING ISPIRITO’T LAMAN, SIGE LANG, PALABASIN MO ANG DUGO, DUGO, DUGO NG BUHAY – GANYAN NGA SIGURO ANG PAGSUSULAT – PALABASIN ANG LAMAN NG PUSO, DUGO – (HINDI TAE). HUWAG TULARAN ANG MGA PANTASYADOR NA MANUNULAT) NA PINIPIGA ANG UTAK PARA PAIMBULUGIN ANG IMAHNASYON SA WALANG HANGGANG EMOSYON.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: