Sa Likod ng Anyo ng Kamatis

Photo by Jeric Delatado

Photo by Jeric Delatado

Matapos makipagbuno sa katinuan nitong mga nakaraang araw, nilibang ko muna ang aking sarili sa pamamalengke habang pinagkakasya ang konting kinita sa pagtitinda ng tsinelas. Magaan na magaan ang aking pakiramdam. Ah! kaysarap maging normal.

Habang pumipili sa gulay seksyon, napansin ko ang isang tumpok na kamatis, isang pansing nauwi sa titig. At ang titig ay naging mapanuri, nagsisiyasat at tila tinatanong ang payapang pagkakalagay niya sa sisidlan. Naalala ko ang sinabi ng pantas na walang bagay na hindi gumagalaw. Samakatwid ang kamatis na ito sa harap ko ay tumatakbo nang mabilis pa sa eroplano dahil sa kabuuang paggalaw ng uniberso. “Ano ang tinitingin-tingin mo d’yan? Bilhin mo na akoooo!” Nagsasalita ang kamatis. Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko sa sindak. Akala ko ba normal na ako? Luminga-linga ako’t nangamba. Ayokong magmukhang baliw sa mga taong dumadaan. Kakasapin ko na rin sana ng pasimple ang kamatis ng biglang lumitaw si Mad Scientist sa ilalim ng mesa. Sa kanya pala nagmumula ang tinig. Di ako nakapagsalita. Ipinukol n’ya na lamang ang isang makahulugang ngiti at nagdilim ang aking paningin.

Natagpuan ko na lang aking sarili sa isang madilim na silid. Wala na si Mad Scientist. Isang anino lamang ang aking naaninag. Lumapit ang anino na hugis tao na unti-unting naging kalabaw, naging usa, naging halaman at ang finale…   …naging kamatis. Ayaw talaga ako tantanan ni kamatis, hu hu hu! “Ako ang konseptong naabuso sa mundong digital.” Eto na naman! Nagsasalita na naman si kamatis. Siniyasat ko ang sahig kung saan nakapatong si kamatis. Tiniyak kong walang butas na pwedeng pagtaguan ni Mad Scientist. “Ako si Hugis.” N’yay! Totoo na talaga to. Nagsasalita uli s’ya. “Ako ang mga konseptong naglalaro sa iyong balintataw. Dati akong payak…   …ngunit naging watak at naabuso sa pagpasok ng tuldok na pinakikilos ng karunungang artipisyal.” Doon ko nalaman kay Hugis ang tungkol sa kanyang inaasam na paglaya. Ngunit di ko s’ya matutulungan. Maging ako ay alipin na rin ng sistema, ng hugis matematikal na nagtatakda sa lahat ng pagkilos sa modernong pamayanan.

Sa aking paglisan sa silid na ‘yon, nabuksan ang aking isip sa katotohanang unti-unting nawawala ang kamatis, este, ang damdamin, pagiging isa at kasinuhan ng mga bagay…    …sa pagnanasang makamtan ang ideyal at perpekto…    …na kailanman ay di maaaring umiral…    …sa MUNDONG MATERYAL.

Kabanata 12 sa seryeng Kwentong Dagta

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: