Pagpasok sa Lumang Orasan

Nakaupo si Panahon at napapalibutan ng mga pantas

Nakaupo si Panahon at napapalibutan ng mga pantas

Lumipas ang mga araw, di pa rin ako makakain, di makatulog at di maka-pag text. Hindi ito dahil sa kahulugan ng parallel kundi sa iniwang tanong sa akin ni Mad Scientist: ANO ANG KAHULUGAN NG PANAHON? Ito ang dahilan ng aking stress nitong mga nakaraang araw na mukhang nauuwi sa depresyon. Bakit ba nagiging curious ako sa mga bagay-bagay at pinahihirapan ko lamang ang aking sarili sa kaiisip. Ganito ba ang attitude ng mga henyo? O isa na akong baliw? Ramdam ko ang sarili na nasa karimlan ng pagkalito.

Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakaharap sa isang lumang orasan. Pinakikinggan ang bawat tik-tak nito, naghihintay na baka may mahulog na kasagutan. Maghapon akong nakatitig at halos maubos ko na ang isang pitsel na kape nang may biglang may nagsalita, “Halika, pumasok ka.” Naykupo! Kinakausap na ako ng orasan! Ano na namang kababalaghan ‘to? Gayunpaman, sinunod ko ang tinig. Lumapit ako sa orasan. Aba! Tumatagos ako sa orasan! Ayun, nakapasok din ako sa loob ng orasan. Tumambad sa harap ko si Panahon, ang misteryo ng pag-usad ng oras, taon at siglo. Nakahubad s’yang nakaupo habang pinapaligiran ng mga pantas na sa kanya’y nakatitig, nililimi ang bawat himay ng kanyang malalim na pag-iral.

Tumabi ako sa mga nakapalibot na mga pantas at nakititig kay Panahon. Ibinato ko ang aking mapanuring tingin ngunit di ko maarok ang kanyang mga lihim. Ang tanging nakikita ko ay ang kanyang balingkinitang katawan. Waring nakapansin si Panahon na may mahalay na hanging pumailanlang sa paligid at s’ya’y nagtapis ng tuwalya. Patay malisya kong nilapitan at tinanong ang isang pantas. At ipinaliwanag n’yang si Pahanon ay nauulit, tila gulong na umiikot at bumabalik sa pag-usad ng kasaysayan. Ayon naman sa ikalawang pantas, si panahon ay tulad ng isang linya, hindi na maaaring balikan at walang hanggan ang kanyang patutunguhan. Sa ikatlong pantas ako na-stress nang husto nang sabihin n’yang si Panahon ay di umiiral, s’ya’y nakaguhit lamang sa ating mga isipan bilang sisidlan ng mga pangyayari. High blood naman ang umatake sa akin nang makausap ko ang ikaapat na pantas. Boses bumbay n’ya akong inalok ng “Relo, gawang Saudi! Buy one take one!”

Di ko na tinapos ang pakikipag-usap sa ikaapat na pantas dahil wala s’yang sense kausap. Nilisan ko ang loob ng orasan, naupo sa sofa, inubos ang natitirang kape habang ninanamnam ang mga sinabi ng mga pantas. Ngunit di ko pa rin matumbok ang kasagutan. Napatitig na lang ako sa kawalan habang kinakalma ang sarili. Sa wakas payapa na ang lahat. Pakiramdam ko normal na uli ako…   …at nahimasmasan na sa epekto ng medyas ni Mad Scienstist.

Kabanata 9 sa seryeng Kwentong Dagta

3 responses to this post.

  1. Ang ganda ng sinulat mo malalim kang magsulat at wari’y kelangan pasukin ang mundo para ma gets ko…
    Bagong salta lang sa pook sapot na ito kya pahintulutan mo akong ihanay ka sa gilid ng aking bahay…
    Magandang Araw kapatid

    Tugon

    • Posted by brokenform on Hulyo 6, 2009 at 16:29

      salamat sa pagpansin sa aking sinulat. ikinalulugod ko at ikanararangal na mahanay sa gilid ng iyong bahay

      Tugon

      • Walang anuman yun kapatid… karapat dapat lang naman kase mapansin ang iyong mga likha na kahit kakaiba ito ay malalim at kahanga-hanga… pagpatuloy mo yan kya pinili kitang ihanay sa gilid ng aking bahay

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: