Gintungawan Marine Turtle Sanctuary

GPS survey ng Gintungawan

GPS survey ng Gintungawan

Matapos ang maghapong pagsusukat GPS ng mga dive sites sa Bacuit Bay, hiniling ko sa mga environmental enforcers na ibaba ako sa Isla Gintungawan. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakakatapak sa nasabing pulo. Dahil kasama ako sa environmental monitoring team ay pinayagan nila akong bumaba sa dalampasigan nito. Ito ang pinakasagradong isla sa buong El Nido kaya scientific research lamang at environmental monitoring ang pinapayagan sa lugar. Itinakda itong sanktuwaryo upang hindi magambala ang mga pawikang dito nangingitlog.

Sa aking pagtapak sa dalampasigan ay lubos akong namangha dahil pebbles ang buhangin nito. Malambot s’ya at dumidikit sa aking talampakan. Kakaiba sa pakiramdam ang maglakad sa sagradong buhanginan, pakiramdam na mananatili sa aking alaala habang ako’y nabubuhay. Ngayon ko napagtanto kung bakit ito ang paboritong itlugan ng mga pawikan.

Para akong nasa alapaap habang kami’y pauwi. Gayumpaman, naisip ko na paano kung masalaula ang natatanging paraiso? Paano kung malapastangan ang sagradong lugar? Nabuo ang pangambang ‘yon dahil sa usap-usapang ibebenta ang isla. At may mga taong gobyernong sangkot sa maitim na balak. Sa ganang akin ay hindi ko ito papayagan. Ganun din ang damdamin ng mga taga-El Nido na nagmamalasakit sa kalikasan. Ngunit sapat ba ang aming pagbabantay? May kakayanan ba kaming tutulan ito? Sapat ba ang pondo upang bantayan ang isla? At gaano kamakapangyarihan ang banta?

Dito ko napagtanto ang pagsasalungat ng pangangalaga ng kalikasan sa pag-unlad na kanilang pinangangalandakan. Sa bandang huli, sino ang mananaig? Hindi man namin alam ang mangyayari sa hinaharap, patuloy kaming magbabantay…   … at patuloy kaming magmamalasakit.

4 responses to this post.

  1. salamat sa post na ito..at naging aware ako a tunay na yaman natingmga pinoy….marami…hindi nga lang natin alam…..
    salamat din sa malasakit mo sa ating kalikasan…at sampu pa ng inyong ksaama….mabuhay kayo kaibigan!

    Tugon

  2. Ipagpatuloy ang pagbabantay, at may katumbas na tagumpay ang anumang pagmamalasakit para sa kalikasan.

    Tugon

    • Posted by brokenform on Hulyo 8, 2009 at 13:57

      nakakalungkot lang dahil ang ilan sa mga inaasahan nating protektor ng kalikasan ay s’ya pang nagiging dahilan ng pagkawasak nito…

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: