Kapalaran ni Mad Scientist

Nahimasmasan na rin ako sa aking inis kay Kasarinlan habang naglalakad sa bangketa. Puno na ang bakpak ko sa mga pinamili sa ukay-ukay nang may isang pamilyar na mukha akong nabanaagan… si Mad Scientist! Oo nga! Hindi ako maaaring magkamali. Si Mad Scientist nga itong na itong nasa harap ko. Nanlaki rin ang mata ni Mad Scientist nang makita ako. Tuwang-tuwang kaming nagyakap, parang mga batang walang pakialam sa mundo. Bakas sa aming mga labi ang mga ngiting unti-unting naglalaho at napapalitan ng pangamba habang nililingon ang mga taong nakatingin sa aming dalawa. Unti-unting kumalas kami sa pagkakayakap at ni-regain ang composure ng pagiging tunay na lalaki.

Naupo kami sa tabi ng ukay-ukay habang imiinom ng sago at kumakain ng isaw. Masayang binalikan namin ang nakaraan. Varsity player ako ng basketball noon sa aming unibersidad habang siya ay 1st placer lagi sa science at math contests. Naalala ko pa nung ipinaliwanag n’ya sa akin ang gamit ng parabola sa pang-araw na buhay, mula sa flashlight hanggang sa antenna ng cable TV. Sa kanya ko rin nalaman na may mga bagay pala sa kalawakan na 100 beses na mas maliwanag sa araw na ang tawag ay quasar.

Hanga ako sa dedikasyon ni Mad Scientist sa agham lalo na sa larangan ng astronomiya. Kaya n’yang hulaan ang galaw ng mga planeta sa pamamagitan ng kalkulasyong s’ya lang ang nakakaalam. Sa buong unibersidad, itinuturing na sagrado ang kanyang utak at halos sambahin sya ng mga kababaihan kahit s’ya ay ubod ng…   …forget it. Ayaw kong manlait ng tao.  Basta ganun, isa s’yang henyo na maaari sanang magpabago sa takbo ng buhay ng karamihan.

Ngunit asan na s’ya ngayon? Andito sa bangketa. Nanghuhula ng kapalaran ng mga dumadaan sa halagang bente pesos sa pamamagitan ng horoscope. Wala kase s’yang naging trabaho sa kaaantay na mapondohan ang proposal nya na magkaroon isang obserbatoryong astronomikal, isang pangakong inabot ng buwan, taon, dekada at nabaon sa limot. Ngunit umaasa pa rin si Mad Scientist na balang araw may mga pulitiko o negosyanteng maniniwala sa kanya. At alam kong may mga naniniwala pa rin sa kanya kahit papano. Isa na ako sa mga ‘yon, ‘pagkat s’ya ang dahilan kung bakit ako pumasa sa Math.

Kabanata 7 sa seryeng Kwentong Dagta

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: