Pagtatagpo ni Tanikala at ni Kaluluwa

Ninais kong mapalapit kay kaluluwa, ngunit lagi s’yang busy. Bihira ko na rin s’yang makita sa dati n’yang pinupuntahan. Parang nawiwili s’ya sa isang bagay at di tuloy ako magkaroon ng pagkakataon na makausap s’yang muli. Reding redi na pa naman ako dahil praktisado na ako sa sign language. Muli’t muli naguluhan na naman ako. Di na naman ako makatulog, hindi makakain at di makapag-text.

Natuklasan ko na lamang na ang lagi n’ya palang pinupuntahan ay ang silid kung saan ko nakita ang mga tanikalang iginuhit sa pader. At napag-alaman ko na lagi n’ya palang kausap si tanikala. Panibugho ang naramdaman ko at di ko ito maipaliwanag. Bakit ba natutunan ko pang mahalin si tanikala, este, si kaluluwa? Nasayang lang ang pag-aaral ko ng sign language. Kung kelan ako naglakas loob, saka ako nabigo. Parang gusto ko nang iumpog ang ulo ko sa pader.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagmamatyag. Inalam ko ang pinag-uusapan ni tanikala at ni kaluluwa lingid sa kanilang kaalaman. Lalo akong nagtaka nang wala akong naririnig na salitang nagmumula sa pader. Ngunit si kaluluwa, bagama’t ngo-ngo,  ay seryosong nakikipag-usap kay tanikala. Lalo akong nabahala. Ano ang nangyayari kay kaluluwa? At bakit wala akong naririnig na salita mula sa tanikalang iginuhit sa pader?

Nakaalis na si kaluluwa. Lumabas na ako sa aking pinagtataguan. Siniyasat ang apat na sulok ng madilim na silid. Di pa rin nagsasalita si tanikala. At sa aking pagsisiyasat, tumambad ang kasagutan sa aking mga tanong. May pira-pirasong katol na nagkalat sa sahig. Nakalimutan ko palang linisin matapos gamitin. Samakatwid… bangag palang umuwi si kaluluwa. At least ngayon, makaka-relate na ako sa kanya.

Kabanata 5 sa seryeng Kwentong Dagta

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: