
Photo by Pamela Gabuco
Nanatiling palaisipan sa akin si kaluluwa, mula nung mabasa n’ya ang isinulat kong titik sa dagta. Curious na talaga ako. Pilit ko itong kinakalimutan at pilit kong kinakalma ang aking sarili ngunit di ko maintidihan ang ikinikilos ko ngayon. Hindi na naman ako makatulog, hindi makakain at di makapag-text.
Nagpasya akong manmanan si kaluluwa. Para akong paparazzi na may dalang telescopic camera, isang stalker na laging nakabuntot sa kanya at isang detektib na binabantayan ang lahat n’yang ikinikilos.
Mag-isa palang namumuhay si kaluluwa. Hindi pa s’ya nag-aasawa dahil sa hindi sila magkaunawaan ng mga nanliligaw sa kanya ayon sa tsismis na nasagap ko sa kanyang mga kapit-bahay. Mabait s’ya, maganda ang kanyang pakikitungo sa mga kapitbahay at bago matulog ay ugali n’yang manalangin. Pakbet ang paborito n’yang ulam, 7:30 ng umaga ang oras ng kanyang pagligo at pink ang paborito n’yang isuot na panty. Di ko na maaninag ang brand, basta ang alam ko pink ang panty n’ya.
Sa aking pagmamatyag ay naramdaman ko na lamang na mahal ko na si kaluluwa. Mula sa curiousity nabuo ang paghanga ko sa kanya. Dahil ba ito sa kabaitan n’ya? O baka naman dahil sa pink na panty? Hindi naman siguro dahil sa pakbet na lagi n’yang niluluto. Kung ano man ang dahilan, wala na akong pakialam. basta ang alam ko ay mahal ko na si kaluluwa. At nagpasiya na ako na kausapin s’ya.
Inalam ko sa mga kapit-bahay at kaibigan nya ang kanyang cell phone number. Thru text nag-set ako ang isang ‘interbyu’ kay kaluluwa. Pinaunlakan naman ako ni kaluluwa, thru text din. At naganap ang interbyu sa isang restoran.
Una akong dumating at exited na makausap si kaluluwa. Lumipas ang 30 minuto, dumating si kaluluwa. Muntik nang malaglag ang aking panga sa seksi nyang kasuotan. At naupo kami sa mesang nakapa-romantiko ang atmosphere. Ngatal ang katawan na nginitian ko si kaluluwa. At nang ngumiti rin s’ya ay halos himatayin ako. Napalunok ako nang laway nang magsimula s’yang magsalita… at tumigil bigla ang aking mundo, nagimbal at parang tuod na di makagalaw. Totoo ba ang aking narinig? Ngo-ngo pala si kaluluwa. Kaya pala di sila nag-kakaunawaan ng lahat n’yang mga manliligaw.
Masyado nang malalim ang mga natuklasan ko kay kaluluwa. Ngunit mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kanya… kahit na may depekto ang kanyang pananalita. At ngayon, buo na sa desisyon ko… ang mag-aral ng SIGN LANGUAGE.
Kabanata 4 sa seryeng Kwentong Dagta
Posted by Pagtatagpo ni Tanikala at ni Kaluluwa « Mga Kathang Isinulat sa Dagta on Hulyo 2, 2009 at 08:02
[…] ni Kaluluwa Posted Hulyo 2, 2009 Filed under: Kuwentong Dagta | Ninais kong mapalapit kay kaluluwa, ngunit lagi s’yang busy. Bihira ko na rin s’yang makita sa dati n’yang […]