Hugis Matematikal

Itinakda sa batas ng matematika na ang tuldok ay nagsasaad ng partikular na lugar sa kwadrant. Ito rin ang tumutukoy sa pokus ng ellipse ay parabola. Dito rin nababali ng anggulo ng tatsulok at parisukat. Ang linya naman ay kinapapalooban ng walang hanggang bilang ng tuldok at ito ay nakatuon sa kawalang hanggan sa nagsasaad ng direksyon.

Maraming hugis matematikal. idagdag pa natin ang kubiko, sphere at cylinder na nasa ikatlong dimensyon. Malaki ang naitutulong nito sa agham dahil ang mga ito ang batayan ng disenyo ng mga makina, direksyon ng paglalakbay at prediksyon ng paggalaw.

Ngunit sa larangan ng pilosopiya, umiiral nga ba ang hugis matematikal? Ang opinion ko ay hindi. Ito ay nasa isip lamang. Sila’y mga konseptong naglalahad ng daloy at katangian ng mga umiiral. Ang tuldok ng lapis ay hindi totoong tuldok dahil kung susuriin mo ng mikroskopo binubuo pa rin sya ng bahagi. Ang linyang iginuhit sa papel ay binubuo din ng malilit na bahagi at kurba. Sila ay nasa ikalwang bahagdan lamang ng abstrakyon. Ang esensiya na nasa ikatlong bahagdan at ang umiiral mismo na nasa unang bahagdan ng abstraksyon ang totoong umiiral.

Maaaring di kapani-paniwala ngunit inaanyayahan ko kayo sa isang pagmumuni at pagsusuri. Halina’t pasukin ang mundo ng ating kaisipan at kung paano ito naaapektuhan ng at umaapekto sa mga umiiral sa labas nito.

One response to this post.

  1. ang tuldok ay isang pananda na naglalarawan
    ng isang payak na ibig sabihin.
    maaring simple pero may kabuluhan
    kaya mahalaga ang bawat tuldok sa bawat
    bagay. heheh

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: