Mga Baliw na Artista

Isang inpormal na art forum ang naganap sa kalye habang ginagawa ang booth ng El Nido para sa LGU Trade Fair ng Baragatan 2009. Nagtanong ako kay Top-Top, isang musikero at installation artist na taga-El Nido, “Naniniwala ka ba na kailangan mo rin maging buang paminsan-minsan upang makagawa ng artwork?” Napangiti si Top-Top at sinabi sa akin, “Hindi lang paminsan-minsan, kelangan mo talagang maging buang. ‘Wag mo lang masyadong seryosohin ang kabuangan, baka sa mental na ang tuloy mo.” Napaisip ako kunwari nang  malalim, “Sabagay, minsan ay kumakanta ako mag-isa, tumatawa mag-isa at gumagawa ng kung anu-anong ritwal kapag may naisip ako bigla na isang magandang konsepto.” Ngunit inulit ni Top-Top, “Hindi, kelangan mo talagang maging buang.” Napabuntong hininga ako. Ano ba ang nasa mundo ng kabuangan? Ito ba ang tinatawag nilang “altered state of consciousness?” Ito ba ang pagtahak sa mundo ng pagiging malaya kung saan di mo iniisip ang sasabihin ng iba sa kakaiba mong ikinikilos? Ito ba ang kalagayan kung saan hindi ka nauunawaan ng iba? Kung ano man ang nasa isip ni Top-Top, hindi ko na saklaw.

“Si Bong, agree kaya s’ya dito?” Tanong ko uli. “Ha Ha! Eh, buang din ‘yun!” Sagot ni Top-Top. Tamang-tamang papalapit si Bong, ang pinsan ko na musikero, dibuhista at installation artist, na katatapos lamang makipag-usap sa isang taga-kapitolyo. “Bong, Komporme ka ba na kelangan mong maging buang upang makagawa ng art?” Tanong ko. “Oo naman! Buang naman tayo lahat dito, di mo ba napapansin?” Napaisip na naman ako dun. Di ko inaasahan ang sagot na ito sa pinsan ko na napa-kritikal sa mga nangyayari sa lipunan. “Napansin ko nga.” Sagot ko. Nagpatuloy ang balitaktakan habang pumupukpok ng martilyo ang karpentero at kami naman ay abala sa paggamit ng glue gun. At nagpatuloy ito hanggang sa pagkain ng pananghalian.

Natapos na ang booth. Dagsaan ang mga nagpapakuha ng larawan sa tapat nito. Ngunit umabot lamang sa 4th place. Natapos na lahat ngunit ako’y patuloy na nag-iisip. Hindi ang resulta ng kontest ang iniisip ko kundi ang kabuaangang pinag-usapan namin noon. Marami naman ang matinong mga artist. Marahil ay nagkataon lamang sa nandito sa grupo namin ang mga buang na nagsisikap na pasukin ang sagradong mundo ng sining.

Panatag na ang aking kalooban. At least nagmumukha naman akong normal kapag kasama ang grupo. At hindi naman pala ako nag-iisa.

4 responses to this post.

  1. Posted by hitokirihoshi on Hunyo 30, 2009 at 18:30

    hmmm naniniwala ako sa iyong mga haka-haka.

    madalas kasi kung sino yung ma-art, napagkakamalang bading, sinto-sinto at may sariling mundo. pero sa totoo lang nais lang nila i-explore ang mundo na iba sa natural. hehehe

    ewan naguluhan din ata ako.

    mabuhay po

    Tugon

  2. Posted by thedem on Hulyo 8, 2009 at 22:39

    pang506-na napadaan

    Tugon

  3. Posted by tandangtomas on Hulyo 13, 2009 at 22:45

    nakikita ko ang sarili sa inyong kabaliwan noong kabataan naming pinagbibintangan namin ang sariling kami’y mga sintu-sinto, kulang-kulang, buwang,

    denial yan, denial na hindi ninyo magawa ang dapat ninyong gawinm, yung pwersa sa loob ng inyong katawan na hindi mabigyan ng hugis, yung pwersa ng inyong ispirito na hindi ninyo masabayang lumikha, denial kaya tinatawag ninyo ang sariling buwang. pahumble pa kayo,

    matanda na ako para mabola ng sinasabi ninyong kahibangan, kulang lang kayo sa focus, pagnahuli ninyo ang sariling katinuan, merong kung anong demonyo o diyos kayong malilikha,

    magpakatino kayo at huwag magbaliwbaliwan, trabaho trabaho, bilisan niyo, tigilan ang pagbubuwang-buwangan, baka totoo ang sinasabi ng mga scientist – tatlo’t kalahating bilyong taon na lang ang itatagal ng marupok na araw… wala pa rin kayong nagugustuhan sa mga kabaliwan ninyo.

    tandang tomas

    Tugon

  4. Posted by brokenform on Hulyo 13, 2009 at 22:57

    salamat sa mga tugon. magiging repleksyon sa ‘min ‘to na mga nahumaling sa mundong ito…

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: