Mga Tanikalang Iginuhit sa Pader

Namalayan ko na lng ang aking sarili sa nasa isang madilim na silid. Tahimik, wala akong naririnig kundi mga mumunting patak ng tubig mula sa isang gripong di gaanong nasarhan. May munting sinag na lumalagos sa isang maliit na bintana. At sa kaunting liwanag na ‘yon ay nababanaagan ko ang mga tanikalang iginuhit sa pader.

Di ako gumagalaw mula sa aking pagkakaupo sa sahig. Nakatitig ako sa mga iginuhit na tanikala, titig na matagal, ninanamnam ang kanyang kahulugan. Hindi ko namamalayan na pumapatak na ang aking mga luha. Ang mga iginuhit na tanikala, tila sa akin nakagapos; pumupulupot sa buo kong katawan. Sinasakal n’ya ang aking mga bisig, paa, leeg, pati ang aking laman-loob, ang aking baga, puso, atay at balunbalunan. Parang binabanat ang aking mukha at ang aking isip ay umiinog sa mundong walang pakialam.

Ramdam ko sa mula sa aking kaloob-looban ang hadpi ng kahapon. Nagpupumiglas ang mga damdaming pinigilan ng matagal na panahon, gustong kumawala, gustong maging malaya. Nagpupuyos naman ang galit na lagi kong nilulukuban ng mabait at pasensyosong mukha. Umaalma ang mga pagnananasang tinakpan ko ng disenteng kasuotan at iskapularyo. At gustong sumambulat ang mga ideyang itinuring ko na marumi at kalapastanganan. Lahat sila’y pinigil ng tanikala.

Nakatitig pa rin ako sa pader. Ramdam ko ang kanyang pahiwatig. Patuloy ang pag-agos ng aking luha. Sumama ang aking sipon. Tumulo na rin ang aking laway. At pabulong ngunit galit kong sinabi, “Tangna mo, tanikala, TANTANAN MO ‘KO!!!” Bigla, may narinig akong tinig, “HINDI KITA TATANTANAN!!!” Aba! Nagsalita si tanikala! Ka-boses n’ya si Mike Enriquez. Namamalikmata ba ako? Naistorbo ko ba ng mga anito’t kaluluwang naglipana sa silid na ‘to? Wala naman akong nagawa sa kanilang masama kundi ang mag-emote dito mag-isa.

Napabuntong hininga na lang ako, umiiling, habang ibinubuga ang usok ng sigarilyo. Sa wakas, nahimasmasan na rin ako. Wala na ang tinig, normal na uli ako. Hindi na rin nagsasalita ang tanikalang iginuhit sa pader. At naipangako ko sarili ko…  hindi na ako muling hihitit ng katol. Hinding hindi na. Promise!

Kabanata 3 sa seryeng Kwentong Dagta

3 responses to this post.

  1. hahhhahha..natawa ako dun sa huling line….

    Tugon

  2. […] ko na lamang na ang lagi n’ya palang pinupuntahan ay ang silid kung saan ko nakita ang mga tanikalang iginuhit sa pader. At napag-alaman ko na lagi n’ya palang kausap si tanikala. Panibugho ang naramdaman ko at di […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: