Mga Kathang Isinulat sa Dagta

Dumaloy ang dagta mula sa sugat ng puno; isang simbolo ng mapait na nakaraan. Sinulatan ito ng mga kathang hinalaw mula sa nadidimlang isip. Nag-iwan ito ng mga titik sa dagta. At nang matuyo, ang mga titik ay nanatili… …at nabasa ng isang kaluluwang pagod. Aba! naka-relate si kaluluwa. Natuwa siya, nagdiwang, pagkat ang nakikita niya ay puro saya. Teka! Teka! Di ba’t halaw ‘to mula sa loob ng nagdidilim na isip? Bat s’ya sumaya? May kakatwa bang nangyayari? May nakialam bang engkanto?

Naguluhan din ako habang sinusulat ito. Gayunpaman, nagpatuloy ako sa pagsusulat. Ano nga ba ang koneksyon ng dagta sa titik, at ng kaluluwa sa nadidimlang isip? Masyado akong napaisip. Halos magkaroon na ako ng wrinkles. Di ako makakain, di rin makapag-text. Apektado na nito ang buhay ko. Hanggang sa napagod na akong mag-isip… …at tinamad na ring mag-isip.

Ayun! napagkasunduan ko na lamang na magbigay ng isang konklusyon: typographical error lamang ang nangyari. Di pala dapat natuwa si kaluluwa, dapat nalungkot s’ya. Kaso, wala na akong magagawa dahil sa wala na akong lakas magbura. Tamad na rin akong magbura. Kaya paninindigan ko na lng na ganun ang istorya.

Ipagpatuloy n’yo na lang ang pagbabasa. Sana wag naman magdilim ang inyong isip.

Kabanata 1 sa seryeng Kwentong Dagta

Photo by Pamela Gabuco

Photo by Pamela Gabuco

3 responses to this post.

  1. Galing talaga:)

    Tugon

  2. Posted by dagta on Hunyo 20, 2009 at 00:05

    salamat missy…

    Tugon

  3. […] under: Kuwentong Dagta | Tags: desisyon, interbyu, kaluluwa | Nanatiling palaisipan sa akin si kaluluwa, mula nung mabasa n’ya ang isinulat kong titik sa dagta. Curious na talaga ako. Pilit ko […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: