Matinong Kausap

Nagmula sa uhay…
Dinilig ng tubig na nagmumula sa bote ng ketsap
Na tila dagundong ng kulog na pumayapa sa lantang gulay
Habang tahimik na umaawit sa basketball court.
Walang dingding na butas at walang pako sa balde.
Malalaman ko rin katotohanan pag dumating na ang mangingikil
At doon ako magbabayad sa tindahan ng may utang.

Lumayo sa akin ang mga demonyo
At sa basurahan sila ay nagsilapit.
Habang mabagal pa ang uod
Magsasaya ang mga isnatser.
Wala ni isa man ang magtataka
Sapagkat biibili ako ng maraming alon
At hihiga sa buntong hininga.
Walang nang aawit ng patalikod
Sapagkat wala nang tubig sa gripo.

Kunot noo,
Pikit mata,
Sasagipin ko ang buhawi
At sa gilid ng pader ako manonood ng TV.
Masdan mo ang aking mga mata.
May nakikita ka bang pagong na naninikluhod
At kumakain ng paminta?
Kung wala, sumipol ka ng nakangiti
At papalakpakan ka ng buhaghag na balat ng sibuyas
Sa lilim ng hinog na balat ng kendi.
Walisan mo na lang pagkatapos.

Naghihintay pa rin ako dito
Sa sulok ng kahon ng tsinelas.
Wala pa ring pumapansin sa simbolong tumatawa sa pader.
Wala nang tagasunod ang kulto
Wala nang tatawa sa mga poste ng kuryente.
Langya kayo bat n’yo inalis ang aking luklukan?
Napasalampak tuloy ako sa gasolinahan.
Ayaw ko nang magbilang ng basura
Wala kaseng pera ang doktor
Dahil siya ay napaso ng kape.

Naluha luha ako sa istorya ng buhay niya.
Walang kase siyang panahong mag-text.
Pagod na siyang kumain
Dahil ang kanyang buhok ay naka-gel.
Wala na rin syang karangalan
Sapagkat nakalimutan niyang mag-withdraw sa bangko.
Kakaiyak talaga!
Ayan tumulo na luha ko.
Tumawag na kayo ng ambulansya
‘Yung tamihik na ambulansya.

Hay! Puro na lang kamalasan.
Wala na bang pag-asa
Na umusad ang CHA-CHA?
Pipila na ba ako sa hanay ng mga kongresista?
Pag nagkataon pwede ko nang kausapin ang litson
At doon kami manunuod ng TV sa altar.
Titipunin ko ang mga pulpito at isisigaw namin KALIGTASAN!
Kaso wala na ang kulto.
Sabi ko na sa ‘yo wala nang tagasunod ang kulto.
Wala nang magluluto ng pandikit.
Pero marami nang nakadikit.
Lahat sila’y nagtutulak ng kariton.
Mahihirapan na akong mag-emote nito
Kahit na merong akong pamaypay,
Kahit merong kendi at bubble gum sa singit.

Nagtatampo na ako.
Titigil na ako sa paglalakad
Hindi na rin ako magsasalita
Dahil sabi nila magulo daw ako kausap.
Hindi naman di ba?
Sumagot ka naman!
Sa totoo lang, di ako magulong kausap.

Magulo lang akong mag-isip…

…pero matinong kausap.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: