Sa Istasyon ng MRT

Nagsimula sa ligaw na text
na pumailanlang sa kalawakang tinawag nilang cyberspace,
lumanding at nasagap ng cell phone mong marikit.

Mula nuon, nag text tayo ng nag text.
Naging feeling close hanggang maging close.
Pati pagkain at pagligo ay itini-text.
Favorite color, favorite actor lahat naungkat
hanggang mamalayan na lang natin
na mahal na natin ang isa’t isa.

Sa paggulong ng panahon, tayo’y nagpasya
na magkita sa istasyon ng MRT.
tatlong buwan din akong hindi kumain ng breakfast
para makatipid, makalikom at magkaroon ng abs.
Sumapat ang pamasahe sa pagsakay ng batel
mula El Nido, Palawan hanggang sa Manila, Philippines.
Makikita ko na rin ang mahal kong ka-text.

Suot ang paboritong maong at t-shirt,
Naka-sapatos at naka-gel ang buhok
tumambay ako sa istasyon ng MRT.

Exited. Napaaga ako ng tatlumpong minuto.
Kinakabahan. Naghihintay.

Di nagtagal ika’y nakitang papalapit,
Di ako makapaniwalang ikaw nga ang paparating
Damit, buhok, hikaw tumugma sa deskripsyon.
Tila slomo ka sa paglalakad
Tila rumarampa sa entablado ang balingkinitan mong katawan
at ang 5’8 mong height ay makatawag pansin.
Napalunok ang aking tuyong lalamunan nang titigan ang mala-anghel mong mukha.

Di ko na nagawang magsalita…

Nanginginig ang aking mga kamay nang iyong hawakan;
Namumutla ang pisngi nang iyong hagkan.
Tumigil ang paligid…
Namanhid ang buong katawan.

Tinipon ko ang natitirang lakas
upang ika’y yakapin.
Sa ‘yong kawalan ng pagtangi ay niyakap kita nang lalong mahigpit.
Pumailanlang ang aking ulirat
tila ako’y nasa alapaap
at ayaw ko nang matapos ang ligayang nadarama.
Ngayon ko lang naramdaman ito…
umiibig na nga ako.

Lumabas ang damdaming itinago nang matagal na panahon.
At sa unang pagkakataon ay narinig ko ang mala-higante mong boses…

…Ponyeta!!! Lalaki ka pala!!!

Kung saan ka man naroon ngayon…
… isoli mo lahat ng ni-load ko sayo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: