Panahon

Watak na Pag-Inog

Watak na Pag-Inog

Hirap akong limiin
ang tunay mong kahulugan:
Ikaw ba ay umiiral
o isang katanungan?
Bakit di kita kayang pigilan?
Bakit lahat ng iniwan mo’y
tinaguriang nakaraan?

Mga mata mo’y nakatuon sa hinaharap
tila magsasakang nag-aabang ng pagtubo ng buhay sa lupa.
Itinakda mo ba ang pagtibok ng puso,
ang daloy ng hininga?
Nasusukat mo ba ang pinagmulan ng buhay?
Ikaw ba ang lumikha ng parisukat, tatsulok at parihaba?
Nababasa mo ba ang bawat isipan?
Ikaw ba ang nagsilang ng kagandahan?

Naturingang kang saksi ng mga digmaan,
Tagamasid sa pagsilang at pagbagsak ng mga hari.
Ikaw din ba ang lumikha ng mga diyos
na lumukob sa aandap-andap na pananampalataya?
Sa iyo rin ba sumangguni ang propeta?
Sa ‘yong musika ba nabuo ang ritual ng pagsamba?

Ituloy mo ang pagdaloy at ako’y nakikinig.
Sa pagtalaga mo sa mga tala ako’y nakatingin
at titipunin ko ang mga astrologong sa ‘yo rin ay nagmamasid.
Pupulungin ko sila at kami’y magkakaisa
kung ikaw nga ba ang nagtatakda o ikaw ang itinakda.
Mula doon ay lilikha kami ng awit
na pakikinggan at muling pakikinggan
habang patuloy mong pinaiinog ang daigdig.

Sa hudyat mo’y itinayo ang mga gusali,
sa ‘yong pagbabadya naganap ang paglikas.
Lingunin mo ang mga itinayong bantayog,
iguhit mo ang pagbangon ng kabihasnan
sapagkat sa ‘yong mga aklat ako’y sasangguni
upang isiwalat ang mga kathang naisip.
Sa pagsaboy ko ng katha sa lupa
yakapin mo ako ng iyong pagsang-ayon
at di ko na ibabaling sa iba ang aking paningin.

Sinukat ka ng agham,
nagbuo ng hugis ang matematika
ngunit lalo mo lamang inilingid ang iyong mukha
at ibinuyangyang ang iyong maskara.
Pilit kong hinagilap ang iyong hugis,
mula sa mga bakas ng iyong tilamsik
at ika’y natagpuan sa dulo ng aking pagtitimpi
at ang iyong anino sa sulok ng aking pagmamadali.

Nakatitig ako ngayon sa orasan,
nagtatanong…
at naghihintay sa iyong kasagutan
kung bakit ang dantaon ay nagiging isang oras…

…kapag kausap ko ang aking crush.

8 responses to this post.

  1. Posted by hitokirihoshi on Hunyo 16, 2009 at 15:33

    hi, napadaan lang!

    hmmm nakaka-relate ako sa post mong ito. = minsan kasi pag sobra na akong busy o tinatamad pero kailangan ko pa ring magmadali nakakausap ko na ang orasan. parang hindi ba siya pwedeng huminto muna kahit isang saglit lang.

    pero wala naman magagawa kundi sumabay sa agos at sayawan ang ikot nito.

    Tugon

  2. Posted by dagta on Hunyo 17, 2009 at 13:41

    yup, bat mas masarap balikan ang nakaraan? ung tipong nostalgic mode.

    uy! ganda ng site mo ha. kala ko mananaggal ung papatay

    Tugon

  3. […] Aba! Tumatagos ako sa orasan! Ayun, nakapasok din ako sa loob ng orasan. Tumambad sa harap ko si Panahon, ang misteryo ng pag-usad ng oras, taon at siglo. Nakahubad s’yang nakaupo habang […]

    Tugon

  4. Posted by tandangtomas on Hulyo 14, 2009 at 11:36

    sa ganang akin, ang panahon ay konsepto lang na kinunstrak ng tao para maging sabitan ng memorya tungkol sa mga pag-iral pangyayari na naoobserba ng homo sapiens.

    walang ibig sabihin ang panahon, kung meron man, compas lang ito, para makatulong sa tao kung paano niya uubusin ang kanyang buhay o pag-iral ng kanyang pisikal na katawan, naimbento rin kasi niya ang sariling pagpapahalaga…

    ang nakakalito yata kasi, ang dami ng mga pilosopong naghasik ng sandamukal na pag-aakala at ang pinoy – ang kulturang pinoy ay nakaangkla sa tradisyon nina Socrates at Plato at kailangang pag-aralan pa sa latin. sana maiproseso natin ang mga pilosopo ng mundo, at naniniwala ako rito, kung maipaflush out natin ang mitolohiyang kristianismo na nagbibilanggo sa pilipino sa labirinto ng metapisika at pag-aakala.

    ang ibig ko lang ibahagi, sa ganang akin, walang identity ang panahon, meron lang event o nangyayari sa kosmos, at merong kamalayan ang tao, bunos ng evolution…

    mungkahi ko arvin, ang hanapin o likhain mo’y event hindi panahon. parang naghahanap ka sa wala….

    a basta… ganun, wala kasi akong librong pwedeng sanggunian … hindi ako marunong maglatin

    aliw lang ako sa blog mo… salamat po

    Tugon

    • Posted by brokenform on Hulyo 14, 2009 at 12:23

      salamat po sa repleksyon… at salamat din at naaliw din kau sa blog ko. tama kau, dapat ang event ang hanapin hindi ang panahon…

      Tugon

  5. Posted by tandangtomas on Hulyo 14, 2009 at 12:34

    HANAPIN O LIKHAIN

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: