Paano Tumigil Magsulat?

Nanginginig na kamay ko sa pagod,
ayaw nang tumigil isip ko,
namamanhid na daliri ko sa kapipindot ng keyboard,
Namumula na mata ko sa magdamagang harap sa computer.

Napupurga na ako sa kape,
nininerbyos na ako sa dami ng kape,
nangangamoy kape na rin ako.

Pengeng yosi,
nate-tense na ako…
ooops pano ba mag yosi?

pagod na ako…
parang awa nyo naaaa…
Tarakan nyo ko nang pampakalma!
Ayaw nang tumigil kamay ko sa pagsusulat.
Hindi na ko makatulog huhu.
Kung makatulog man napapanaginipan ko sinusulat ko.
Nag-i-sleep walk ako papunta computer…
upang magsulat pa rin.

Habang kumakain ang isang kamay ko’y hawak ang lapis.
Pag may kausap ako papel at letra ang tingin ko sa mukha nya.
Habang naglalakad pati daan sinusulatan ko,
Nagsasalita pa rin ako mag-isa,
kumakanta mag-isa.
Nag jo-joke at tinatawan ang sariling joke.

Maawa na kayooo!
Tulungan nyo koooo!
Di ko na mapigilan ang magsulat.
Gusto ko nang magpahinga…
gusto nang maging normal uli…
Gusto nang takasan ang kahibangang ito, huhu.

Mula ngayon. isinusumpa ko na ang pagsusulat
dahil sa tangnang pagsusulat na ito…
nawalan na ako ng panahong mag text.

At nawalan din ako ng ka-text.

2 responses to this post.

  1. Posted by tagamasid on Hunyo 16, 2009 at 14:59

    hahaha! ayus ito!

    nakakaadik pala talaga ang maguslat ng kung ano-ano, buti nalang di pa letra ang tignin ko sa katapat ko na kaopisina, ‘di pa ako adik.

    Tugon

  2. Posted by dagta on Hunyo 16, 2009 at 23:21

    haha. hirap talaga tumigil sa pagsusulat. kelangan turukan ng pampakalma

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: