Nasa Bintana’t Nakatanaw

Photography: Roel Flores, Model: Aya Ragrario

Photography: Roel Flores, Model: Aya Ragrario

Bukas…
Nakatakda kang lumakad sa kalsada,
Bitbit ang plakard,
Kimkim ang galit sa pinaplantsang sistema,
Isisigaw mo ang pagtutol
Na mariin mo nang ipinangalandakan
Dekada na ang nakalipas.

Madadaanan mo ako bukas,
Nakamasid sa bintana ng gusali,
Nagtutulak ng kariton sa kalye,
Nakasakay sa dyip na pampasahero,
Nagtitinda sa bangketa,
Nakikipagtsismisan sa tapat ng gate ng aking amo,
Nakasuot ng kurbata sa harap ng pinto ng aking opisina,
Nasa may riles ng tren at naglalaba.

Mamasdan na lang kitang dadaan
At hindi kita masasamahan.
Dahil magkahalong takot
At kawalan ng pakialam ang aking nararamdaman
Dahil kuntento na ako sa sistema,
Napapasaya na ako ng perang binibigay ng mga pulitiko pag eleksyon,
Naaliw na ako sa mga kandidatong artista.
At pikit mata ko na silang tatangapin
At ang kanilang katiwalian.

Ngunit sa bawat hakbang mo sa kalsada,
Sa bawat pawis na tatagaktak sa ‘yong mga pisngi,
Sa bawat paso ng araw sa ‘yong balat,
Sa bawat luha na tutulo sa iyong pisngi,
Isama mo ang aking pangarap na maka-ahon sa kahirapan,
Na makalaya sa pangingikil ng mga makapagyarihan,
Na makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak
At magkaroon ng siguradong pagkain araw-araw.

Kahit di ko lubos maunawaan ang iyong ginagawa
Nais kitang pasalamatan
Dahil ako pala ang iyong pinaglalaban
At ang aking aandap-andap na bukas.
Ang iyong isinisigaw pala ay ang paglaya ko sa tanikalang nagpanitili sa aking mangmang
At naglugmok sa akin sa kahirapan.

Ngunit patuloy kitang mamasdan
Mula sa bintana, sasakyan, pintuan at lansangan.
Hindi pa rin kita masasamahan
Dahil mananatili akong takot,
Mananatili akong walang pakialam.
Ngunit nawa magtagumpay ka,
Nawa’y mapigilan mo ang malisyang bumabalot sa kanilang budhi.
Baunin mo na lang aking panalangin,
Iinom mo na lang ako ng sago
At ikain ng fried-pusit-on-stick sa Ayala
Ilakad mo na lang ako sa mga lansangan ng Paseo de Roxas.

Balitaan mo na lng ako kung nagtagumpay ka…

…paki-text na lang kung iuurong na nila ang CHA-CHA.

At kung sakali bukas makalawa,
Magkaroon ako ng lakas ng loob na samahan ka,
Paki-text na rin kung saan tayo magkikita.
At kung di ako mag-reply agad…

Paki-pasalod na rin.

2 responses to this post.

  1. WOW! COURAGE! kinilabutan ako, tumirik mga balahibo gininaw nalungkot naalala ang mga iniwanan ko………….I PRAY FOR YOU my PHILIPPINES (mein Heimat) my Country.

    Tugon

  2. Posted by dagta on Hunyo 10, 2009 at 08:49

    at least po you are with us through prayers. sana po wag magtagumpay ang kanilang maitim na balak.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: