Kinahulugan

Photo by TJ Gallardo

Photo by TJ Gallardo

Usapin ng pag-iral…
nakasulat sa dagtang umaagos,
habang nagbibilang ng panahong iginuguhit
ng mga katagang namutawi
sa bibig ng batas na nagpainog sa lupa.

Hinukay ko sa karimlam,
tinanglawan ng mga prinsipyong sinipi dantaon ang lumipas.
Hiningi ko ang payo ng pantas na tinubuan ng talaba sa pananaliksik
ngunit wala pa ring kasagutan.

Nagsalita ang mga aklat,
umawit ang koro ng mga naturingang ama
ngunit wala akong narinig na musika.

Inaninag ko sa mga itinakda,
Sinilip sa sulat ng mga humusga,
at ikinumpara sa hugis na naglipana sa lawak ng kaisipan.
Wala ni isa mang tumugma sa aking kutob.

Wala! Wala! Wala!
Dinagukan ko ang sariling dibdib,
naglupasay sa lupa ng kawalang pag-asa.
Sinisi ko ang saradong isip,
naglakad nang walang patutunguhan,
natisod, nabagok at natauhan.

Ngayon lang ako nagising sa katotohanang
kahibangan ang arukin ang pag-iral
dahil ang totoong pag-iral
ay ang pagtahak sa landas ng katotohang
mahal ang bigas, marumi ang hangin,
laganap ang krimen,
at may mga pokpok na nagpapaikot sa mga
trapo’t artistang sinasamba ng lipunan.

Ngayon, natagpuan ko na lang ang sarili ko
na umiinom ng beer
habang nanunuod sa telebisyon,
habang pilit na kinakalimutan…
ang kahulugan ng pag-iral.

2 responses to this post.

  1. Posted by tandangtomas on Hulyo 14, 2009 at 12:08

    napagtitripan ko itong mga sulatin mo,

    enjoy kasi ako at ito yung tipo ng mga trabaho na sa sarili kong opinyon ay konti lang ang bahid ng tradisyunal na pagsusulat lalo na ng mga makatang pinoy.

    pasensiya ka lang jan kung mapagtripan kita, pero kung okey sa iyo para makaganti ka, padalhan kita ng mga bago kong pag-aakala na naalpasan ko na ang tradisyunal na pagtula na nasagap ko sa mga tradisyunal at pantasyador na mga higante sa literaturang pinoy.

    sa ontolohiyang ito, nakakatuwa, nabuking mo ang sarili na pumapaimbulog ka sa opinyon opinyon opinyon – maraming pinoy na makatang ganyan, nasa up nasa akademdya at nag-aakala na sila ang tapagbandila ng panulaang finoy o tagalog… mga makatang ang sensasyon lamang nila ay ang umiiral no solopsismo sa kanilang tula, wala silang pakiaalam sa pagtaas ng gasolina at bigas, wala silang pakialam sa nakaiinis na trapiko pero ang maitutula nila nang may kapaklahan ay kung tao o asong mangahas umihi sa nakareserbang parking slot ng kanilang kotse sa unibersidad.

    Tugon

    • Posted by brokenform on Hulyo 14, 2009 at 12:31

      salamat po sa mga puna. nagustuhan ko rin ang paraang ng pag kritiko n’yo sa realidad at proseso. at ako’y naaaliw din sa paraan ng inyong paglalahad.

      ito marahil ang dapat bigyan pansin sa pagsusulat… ang paglapat ng konsepto sa galaw ng buhay sa realidad.

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: