Lumipas ang mga araw, di pa rin ako makakain, di makatulog at di maka-pag text. Hindi ito dahil sa kahulugan ng parallel kundi sa iniwang tanong sa akin ni Mad Scientist: ANO ANG KAHULUGAN NG PANAHON? Ito ang dahilan ng aking stress nitong mga nakaraang araw na mukhang nauuwi sa depresyon. Bakit ba nagiging curious [...]
Mga Paskil na Minarkahan ‘umiiral’
2 Hul
Ang Mahiwagang Alipin
Naroon pa rin ako sa madilim na silid. Nililinis ko ang mga nagkalat na katol sa sahig at baka mapag-diskitahan na naman ni kaluluwa. Habang nagwawalis, naglalaro pa rin sa aking isipan ang mga hiwagang nangyayari sa apat na sulok ng silid na yun. Epekto nga ba ‘to ng katol? O mayroon talagang hiwagang bumabalot [...]
28 Hun
Kahalagahan ng Hugis sa Sining
Bawat umiiral ay may hugis na s’yang nasasagap ng ating isipan. Katulad ng lahat ng mga umiiral, ang hugis ang nagbibigay ng kakilanlan sa mga gawang sining. Dito nakapaloob ang esensya ng sining mismo at ito ang lagom ng piyesa sa pamamagitan ng abstraksyon. Kaya sa larangan ng sining, napakahalaga ng hugis. Dahil ito ang [...]
14 Hun
Tuldok
Isang rasyunal na pag-iral sa kaisipan, Walang sukat, Walang hangganan, tukoy na lugar o direksyon. Isang ekspresyong matematikal At isang konseptong pilosopikal. Sa iyo nababatay ang kawalang hanggan ng linya At ang anyo ng polygon. At ikaw din ang hudyat sa kanilang pagsasalubong. Walang hanggan mong pinupuno ang ikalawa at ikatlong dimensyon. Itinatakda mo ang [...]
13 Hun
Panahon
Hirap akong limiin ang tunay mong kahulugan: Ikaw ba ay umiiral o isang katanungan? Bakit di kita kayang pigilan? Bakit lahat ng iniwan mo’y tinaguriang nakaraan? Mga mata mo’y nakatuon sa hinaharap tila magsasakang nag-aabang ng pagtubo ng buhay sa lupa. Itinakda mo ba ang pagtibok ng puso, ang daloy ng hininga? Nasusukat mo ba [...]

Reaksyon