Hindi panaginip ang nangyari. Tiyak kong hindi dahil naririto sa kamay ko ang lumang kalendaryo. Ngunit bakit naririto akong bigla sa barong-barong ko sa bukid? Sino na naman ang nagdala sa akin dito? Marami nang kakatwang nangyayari sa akin ngayon na di ko maipaliwanag. Napuruhan kaya ako ng katol na hinitit ko noon? May epekto [...]
Mga Paskil na Minarkahan ‘buhay’
18 Hul
Hiwaga sa Likod ng Larawan
Lubos ang aking pagkadismaya sa nangyayari sa lipunan, kaya ipinasya kong pasukin na lamang ang mundo ng pagpipinta. Inihanda ko na ang kanbas, pintura at iba pang kagamitan sa pagpinta. Feeling artist na tuloy ako nito. Nagsimula ako sa pagpinta ngunit tila walang kalatoy-latoy ang nalikha kong larawan. Ngawit na ang modelo at irita na [...]
13 Hun
Panahon
Hirap akong limiin ang tunay mong kahulugan: Ikaw ba ay umiiral o isang katanungan? Bakit di kita kayang pigilan? Bakit lahat ng iniwan mo’y tinaguriang nakaraan? Mga mata mo’y nakatuon sa hinaharap tila magsasakang nag-aabang ng pagtubo ng buhay sa lupa. Itinakda mo ba ang pagtibok ng puso, ang daloy ng hininga? Nasusukat mo ba [...]
9 Hun
Pagbabantay sa Dapit Hapon
Peklat sa kamay, Sunburn sa likuran, Pudpod na tsinelas, Eyebag sa mata, Karag-karag na sasakyan, Ga-patak na gasolina, Kakarampot sa sweldo na pinaghahati sa madaming inakay: Ganito mo ako inalagaan. Kapirasong patpat… Iwinasiwas… Upang takutin ang mga higanteng may armas. Takutan… Duruan… Hilaan ng bangka… Ngunit nanatili ang hawak mo sa kapirasong patpat. Ganito mo [...]

Reaksyon