Habang binabaybay ko ang ilog papunta sa bahay ko sa bukid, napansing kong humina ang daloy nito kumpara nung tag-init ng nakaraang taon. Naisip ko ang magiging epekto nito sa irigasyon sa baba. Nakakatakot din ang bahang idudulot nito sa tag-ulan kapag nagpatuloy ang paghina ng daloy nito sa tag-init. Alam ko ang dahilan. Ito [...]
Mga Paskil na Minarkahan ‘araw’
10 Hul
Sa Likod ng Anyo ng Kamatis
Matapos makipagbuno sa katinuan nitong mga nakaraang araw, nilibang ko muna ang aking sarili sa pamamalengke habang pinagkakasya ang konting kinita sa pagtitinda ng tsinelas. Magaan na magaan ang aking pakiramdam. Ah! kaysarap maging normal. Habang pumipili sa gulay seksyon, napansin ko ang isang tumpok na kamatis, isang pansing nauwi sa titig. At ang titig [...]
7 Hul
Watak Na Pag-Inog
Nakaupo ako sa buhanginan, minamasdan ang paglubog ng araw sa dulo ng karagatan, habang pinakikinggan ang bawat dampi ng alon sa dalampasigan. Tila musika ang tunog ng hanging kumikiliti sa aking tenga. Gayunpaman, hindi kayang payapain ng himig ng kalikasan ang uhaw na aking nararamdaman. Bakit ganito? Kung kelan ko napakinggan ang mga pantas, mas [...]
3 Hul
Kapalaran ni Mad Scientist
Nahimasmasan na rin ako sa aking inis kay Kasarinlan habang naglalakad sa bangketa. Puno na ang bakpak ko sa mga pinamili sa ukay-ukay nang may isang pamilyar na mukha akong nabanaagan… si Mad Scientist! Oo nga! Hindi ako maaaring magkamali. Si Mad Scientist nga itong na itong nasa harap ko. Nanlaki rin ang mata ni [...]
10 Hun
Kakatwa
Nakakulong ako sa ice box. Anlamig… Nanunuot sa aking kalamnan. Nag-uumpugan na mga ipen ko, Tumutulo ang laway, Tumitirik ang mata, Nagdidiliryo, Umuungol, Umiiling At sumisinghot ng sipon. Di rin ako nakatiis, lumabas ako sa ice box. Di naman pala malamig dito sa sa labas. Maraming puno, May buhangin sa dalampasigan Nainip ako… Naglakad sa [...]
9 Hun
Pagbabantay sa Dapit Hapon
Peklat sa kamay, Sunburn sa likuran, Pudpod na tsinelas, Eyebag sa mata, Karag-karag na sasakyan, Ga-patak na gasolina, Kakarampot sa sweldo na pinaghahati sa madaming inakay: Ganito mo ako inalagaan. Kapirasong patpat… Iwinasiwas… Upang takutin ang mga higanteng may armas. Takutan… Duruan… Hilaan ng bangka… Ngunit nanatili ang hawak mo sa kapirasong patpat. Ganito mo [...]

Reaksyon