Matapos makipagbuno sa katinuan nitong mga nakaraang araw, nilibang ko muna ang aking sarili sa pamamalengke habang pinagkakasya ang konting kinita sa pagtitinda ng tsinelas. Magaan na magaan ang aking pakiramdam. Ah! kaysarap maging normal. Habang pumipili sa gulay seksyon, napansin ko ang isang tumpok na kamatis, isang pansing nauwi sa titig. At ang titig [...]
Imbak para sa Kategoriyang ‘Kosmolohiya’
7 Hul
Watak Na Pag-Inog
Nakaupo ako sa buhanginan, minamasdan ang paglubog ng araw sa dulo ng karagatan, habang pinakikinggan ang bawat dampi ng alon sa dalampasigan. Tila musika ang tunog ng hanging kumikiliti sa aking tenga. Gayunpaman, hindi kayang payapain ng himig ng kalikasan ang uhaw na aking nararamdaman. Bakit ganito? Kung kelan ko napakinggan ang mga pantas, mas [...]
6 Hul
Ang Ikaapat na Pantas
Lulugo-lugo akong naglalakad sa lansangan nang makasalubong ko si Mad Scientist. “O, natumbok mo na ang kasagutan?” Tanong niya. “Hindi eh… … nab’wisit ako sa ikaapat na pantas… …wala s’yang sense kausap,” tugon ko. “Ano!? Di mo ba alam na nasa ikaapat na pantas ang kasagutan?” Ipinaliwanag ni Mad scientist na ang relong inaalok ng [...]
14 Hun
Tuldok
Isang rasyunal na pag-iral sa kaisipan, Walang sukat, Walang hangganan, tukoy na lugar o direksyon. Isang ekspresyong matematikal At isang konseptong pilosopikal. Sa iyo nababatay ang kawalang hanggan ng linya At ang anyo ng polygon. At ikaw din ang hudyat sa kanilang pagsasalubong. Walang hanggan mong pinupuno ang ikalawa at ikatlong dimensyon. Itinatakda mo ang [...]
13 Hun
Panahon
Hirap akong limiin ang tunay mong kahulugan: Ikaw ba ay umiiral o isang katanungan? Bakit di kita kayang pigilan? Bakit lahat ng iniwan mo’y tinaguriang nakaraan? Mga mata mo’y nakatuon sa hinaharap tila magsasakang nag-aabang ng pagtubo ng buhay sa lupa. Itinakda mo ba ang pagtibok ng puso, ang daloy ng hininga? Nasusukat mo ba [...]
10 Hun
Paggalaw
Pag-usad, pagtakbo, pag-inog… Mga mukhang isinaboy mo sa daigdig ng pagbabago, Mga titik na iginuhit ng naglalakbay na panahon. Tumingala ako sa langit, Inapuhap ang iyong pinagmulan. Wala akong nahagilap kundi ngiti ng kawalan. Ngunit kahit saan ko ibaling ang paningin… naroon ka. Paggulong, pagbagsak, pagpailanlang… Mga palatandaang kinalap, hinusgahan, Hinimay at itinakda ng kulto [...]
10 Hun
Hugis
Sanlaksa sila… Nagliliparan sa lawak ng aking kaisipan, Tumitimo sa aking kalamnan, kumakain sa aking lakas at sumusumbat sa aking budhi. Pilit kong iginuhit, buong tiyaga kong sinukat, inarok ang kanyang kahulugan, nilasap ang kanyang nakaraan. Ngunit unti-unti silang naglaho at iniwan ang watak-watak na kulay. Sumisid ako sa kalaliman ng dagat, Humalukay sa buhangin [...]

Reaksyon