Ayoko man ay napilitan akong isali ang aking ipininta sa isang kompetisyon. Kapos ako sa pera at sayang din ang limandaang consolation prize. Maging ako ay di matitigan ang nasabing larawan dahil sa tuwing makikita ko ang mukha ni Diego’y sinisisisi ko ang aking sarili. Bakit ba ako nagpapapaniwala sa aking kamay? Halos ayaw kong [...]
Imbak para sa Kategoriyang ‘Pilosopiya’
18 Hul
Hiwaga sa Likod ng Larawan
Lubos ang aking pagkadismaya sa nangyayari sa lipunan, kaya ipinasya kong pasukin na lamang ang mundo ng pagpipinta. Inihanda ko na ang kanbas, pintura at iba pang kagamitan sa pagpinta. Feeling artist na tuloy ako nito. Nagsimula ako sa pagpinta ngunit tila walang kalatoy-latoy ang nalikha kong larawan. Ngawit na ang modelo at irita na [...]
13 Hul
Basang Larawan sa Dingding
Matapos mai-deliver ang bagong painting sa Balay Tubay, umorder ako ng isang malamig na beer. Tulad ng nakasanayang ritwal, tinitigan ko ang basa pang larawan sa dingding, na matagal pang matutuyo dahil sa langis na pintura, habang dumadaloy ang alkohol sa aking mga ugat at habang nakikinig sa kanta ni Loi. Matagal kong pinagmasdan ang [...]
10 Hul
Sa Likod ng Anyo ng Kamatis
Matapos makipagbuno sa katinuan nitong mga nakaraang araw, nilibang ko muna ang aking sarili sa pamamalengke habang pinagkakasya ang konting kinita sa pagtitinda ng tsinelas. Magaan na magaan ang aking pakiramdam. Ah! kaysarap maging normal. Habang pumipili sa gulay seksyon, napansin ko ang isang tumpok na kamatis, isang pansing nauwi sa titig. At ang titig [...]
7 Hul
Watak Na Pag-Inog
Nakaupo ako sa buhanginan, minamasdan ang paglubog ng araw sa dulo ng karagatan, habang pinakikinggan ang bawat dampi ng alon sa dalampasigan. Tila musika ang tunog ng hanging kumikiliti sa aking tenga. Gayunpaman, hindi kayang payapain ng himig ng kalikasan ang uhaw na aking nararamdaman. Bakit ganito? Kung kelan ko napakinggan ang mga pantas, mas [...]
6 Hul
Ang Ikaapat na Pantas
Lulugo-lugo akong naglalakad sa lansangan nang makasalubong ko si Mad Scientist. “O, natumbok mo na ang kasagutan?” Tanong niya. “Hindi eh… … nab’wisit ako sa ikaapat na pantas… …wala s’yang sense kausap,” tugon ko. “Ano!? Di mo ba alam na nasa ikaapat na pantas ang kasagutan?” Ipinaliwanag ni Mad scientist na ang relong inaalok ng [...]
1 Hul
Hugis Matematikal
Itinakda sa batas ng matematika na ang tuldok ay nagsasaad ng partikular na lugar sa kwadrant. Ito rin ang tumutukoy sa pokus ng ellipse ay parabola. Dito rin nababali ng anggulo ng tatsulok at parisukat. Ang linya naman ay kinapapalooban ng walang hanggang bilang ng tuldok at ito ay nakatuon sa kawalang hanggan sa nagsasaad [...]
30 Hun
Mga Baliw na Artista
Isang inpormal na art forum ang naganap sa kalye habang ginagawa ang booth ng El Nido para sa LGU Trade Fair ng Baragatan 2009. Nagtanong ako kay Top-Top, isang musikero at installation artist na taga-El Nido, “Naniniwala ka ba na kailangan mo rin maging buang paminsan-minsan upang makagawa ng artwork?” Napangiti si Top-Top at sinabi [...]
28 Hun
Kahalagahan ng Hugis sa Sining
Bawat umiiral ay may hugis na s’yang nasasagap ng ating isipan. Katulad ng lahat ng mga umiiral, ang hugis ang nagbibigay ng kakilanlan sa mga gawang sining. Dito nakapaloob ang esensya ng sining mismo at ito ang lagom ng piyesa sa pamamagitan ng abstraksyon. Kaya sa larangan ng sining, napakahalaga ng hugis. Dahil ito ang [...]

Reaksyon