Imbak para sa Kategoriyang ‘Kuwentong Dagta’

Art Kontest

Ayoko man ay napilitan akong isali ang aking ipininta sa isang kompetisyon. Kapos ako sa pera at sayang din ang limandaang consolation prize. Maging ako ay di matitigan ang nasabing larawan dahil sa tuwing makikita ko ang mukha ni Diego’y sinisisisi ko ang aking sarili. Bakit ba ako nagpapapaniwala sa aking kamay? Halos ayaw kong [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Tanawin sa Takipsilim

Hindi panaginip ang nangyari. Tiyak kong hindi dahil naririto sa kamay ko ang lumang kalendaryo. Ngunit bakit naririto akong bigla sa barong-barong ko sa bukid? Sino na naman ang nagdala sa akin dito? Marami nang kakatwang nangyayari sa akin ngayon na di ko maipaliwanag. Napuruhan kaya ako ng katol na hinitit ko noon? May epekto [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Lumang Kalendaryo

“Hindi ako dadalo sa SONA,” pahayag ni Katotohanan. Nababasa n’ya pala ang iniisip ko at di na s’ya magulong magsalita ngayon. “Ako na ang nahihiya sa magiging laman nito,” dagdag pa n’ya. Natanto ko kung gaano na kalala ang problema ng bansa dahil pati si Katotohanan ay di na matagalan ang nakakahiyang pinaggagawa ng mga [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Nakakasakit na Titig

Naglakad-lakad pa ako sa loob ng bilangguan. Tila walang katapusan ang lawak nito. May mga bilanggong nakahandusay, may nakagapos, may tumatangis, may tumatawa at may naghihilik. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko ang isang kakaibang preso. Isang babaeng nakaupo sa sahig at nakagapos ang dalawang kamay sa likuran. Gula-gulanit ang kanyang damit, buhaghag ang [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Halik sa Mga Basang Rehas

Hindi ko maalala kung bakit ako napadpad sa kulungang ito. Ang huli kong naaalala ay nakatulog ako habang nagpipinta. Di ko alam kung sino nagdala sa akin dito. Kakatwa ang nangyayari ngunit gising ako. Alam kong gising na gising ako ngayon. Ipinasya kong bumangon mula sa pagkakahandusay sa malamig na sahig. At ako’y naglakad sa [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Hiwaga sa Likod ng Larawan

Lubos ang aking pagkadismaya sa nangyayari sa lipunan, kaya ipinasya kong pasukin na lamang ang mundo ng pagpipinta. Inihanda ko na ang kanbas, pintura at iba pang kagamitan sa pagpinta. Feeling artist na tuloy ako nito. Nagsimula ako sa pagpinta ngunit tila walang kalatoy-latoy ang nalikha kong larawan. Ngawit na ang modelo at irita na [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Kahulugan ng Hopya

Patuloy ang aking pagnguya ng hopya. Parang naiisip ko na wala talagang sense ang awit ni Palaka. Nagpasiya akong titigan ang hopya. Bilog s’ya, bilog na pagkain. Hmmmn. Hopya…   …bilog…    …pagkain? Pag-inog, pag-ikot ng pagkain sa gubat. Alam ko na! “Food chain” sa gubat ang nais iparating ng awit ni Palaka kung saan bahagi s’ya [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Palakang Sagigilid

Habang binabaybay ko ang ilog papunta sa bahay ko sa bukid, napansing kong humina ang daloy nito kumpara nung tag-init ng nakaraang taon. Naisip ko ang magiging epekto nito sa irigasyon sa baba. Nakakatakot din ang bahang idudulot nito sa tag-ulan kapag nagpatuloy ang paghina ng daloy nito sa tag-init. Alam ko ang dahilan. Ito [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Sa Likod ng Anyo ng Kamatis

Matapos makipagbuno sa katinuan nitong mga nakaraang araw, nilibang ko muna ang aking sarili sa pamamalengke habang pinagkakasya ang konting kinita sa pagtitinda ng tsinelas. Magaan na magaan ang aking pakiramdam. Ah! kaysarap maging normal. Habang pumipili sa gulay seksyon, napansin ko ang isang tumpok na kamatis, isang pansing nauwi sa titig. At ang titig [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Watak Na Pag-Inog

Nakaupo ako sa buhanginan, minamasdan ang paglubog ng araw sa dulo ng karagatan, habang pinakikinggan ang bawat dampi ng alon sa dalampasigan. Tila musika ang tunog ng hanging kumikiliti sa aking tenga. Gayunpaman, hindi kayang payapain ng himig ng kalikasan ang uhaw na aking nararamdaman. Bakit ganito? Kung kelan ko napakinggan ang mga pantas, mas [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.