Imbak para sa Kategoriyang ‘Agham’

Tanawin sa Takipsilim

Hindi panaginip ang nangyari. Tiyak kong hindi dahil naririto sa kamay ko ang lumang kalendaryo. Ngunit bakit naririto akong bigla sa barong-barong ko sa bukid? Sino na naman ang nagdala sa akin dito? Marami nang kakatwang nangyayari sa akin ngayon na di ko maipaliwanag. Napuruhan kaya ako ng katol na hinitit ko noon? May epekto [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Bangang Naghihikab

Isang kakaibang artifak ang natagpuan ni Dr. Robert B. Fox sa Kuweba ng Leta-Leta sa Lagen Island, El Nido, Palawan noong 1965. Ang nasabing artifak ay isang bangang yari sa luwad na ang hugis ay tulad ng isang taong naghihikab. Tinatayang nagkakaidad ito ng 1,000-2,500 taon. Ang nasabing banga na tinaguriang “The Yawning Jar” ay [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Kahulugan ng Parallel

Patuloy ang balitaktakan namin ni Mad Scientist sa banketa nang mapunta ang paksa sa matematika. “Maalaala ko nga pala, hindi mo natapos ang pagpapaliwanag sa akin noon tungkol sa kahulugan ng parallel. Nagmamadali na kase ang isang seksi na manuod kayo ng sine…  …ang guwapo mo kase. Sobra!” Kinilabutan ako sa kasinungalingang nagawa. “Ganito kase [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Dewil Valley

Sa Dewil Valley, New Ibajay, El Nido, Palawan matatagpuan ang kuweba ng Ille, Istar at Makangit. Sa mga nabanggit, ang kweba ng Ille ang pinakamahalagang archaeological site El nido. Dito makikita ang: Mga labi ng tao na nagkaka-idad ng 12,000 taon. Mga bakas ng cremation 7,000-9,000 taon na ang nakalipas. Ito’y tinatayang pinakamatanda sa Timog-Silangang [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Hugis Matematikal

Itinakda sa batas ng matematika na ang tuldok ay nagsasaad ng partikular na lugar sa kwadrant. Ito rin ang tumutukoy sa pokus ng ellipse ay parabola. Dito rin nababali ng anggulo ng tatsulok at parisukat. Ang linya naman ay kinapapalooban ng walang hanggang bilang ng tuldok at ito ay nakatuon sa kawalang hanggan sa nagsasaad [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Tuldok

Isang rasyunal na pag-iral sa kaisipan, Walang sukat, Walang hangganan, tukoy na lugar o direksyon. Isang ekspresyong matematikal At isang konseptong pilosopikal. Sa iyo nababatay ang kawalang hanggan ng linya At ang anyo ng polygon. At ikaw din ang hudyat sa kanilang pagsasalubong. Walang hanggan mong pinupuno ang ikalawa at ikatlong dimensyon. Itinatakda mo ang [...]

Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.