Ekonomiks 101: Kaunlaran

Hindi ako ekonomista. Ngunit naguguluhan ako sa “kaunlarang” ipinangangalandakan ng administrasyon sa kabila ng pagdami ng mga nagugutom at walang trabaho. Sapat na bang batayan ang pagdami ng minahan sa bansa? Sukatan ba ang remittances [Capital LBC] na pinapadala ng mga OFW? E bakit, patuloy pa rin ang pagkadismaya ng sambayanang Pilipino?

Baka naman nakasama sa bansa ang pagkakaroon ng mga ekonomistang nag-aral sa mga akademya ng dayuhan. Baka di akma sa atin ang sinasambang ekonomiya ng kanluran na nag-pakilala sa atin ng plastic [at kapalstikan], pestisidyo, krudo, mina at pulbura. Marahil ay di akma ang parametrong pilit nilang ipinagduldulan sa mga mahihirap na bansa. Marahil ay masyado tayong kinilig sa industrialisasyong naghatid ng bilyong tonelada ng Carbon sa atmosphere.

Buksan natin ang ating mga mata. Ano ba ang dulot ng industriyalisasyon sa bansa? Naging dependent ang ating mga sakahan sa pestisidyo. Naging marumi ang ating karagatan sa plastic at latak ng pabrika. Nangitim ang hangin sa mga siyudad dahil sa krudo. At marami ang nagkasakit dahil sa pagmimina.

Masyado akong na-stress sa sitwasyon nating ito kaya mungkahi ko na baguhin natin ang batayan ng kaunlaran ayon sa tunay na pangangailangan ng ating bansa:

1. Agrikultura. Bakit natuon nang labis ang pansin natin sa pag-unlad na dulot ng industriyalisasyon at nakaligtaan natin ang kasiguruhan sa pagkain? Lahat ay gusto sa siyudad. Lahat ay gusto magtrabaho sa pabrika at opisina. Wala na ang gustong mag-aral ng agrikultura. Iniwan nang tiwangwang ang mga lupain. Pinalala pa ito ng wala sa pusong pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

2. Kalusugan. Hindi ba’t ang kalusugan ay batayan din ng maunlad na pamayanan? Aanhin ang mga gusali’t basketball courts kung laganap ang sakit at malnutrisyon. Ito ang bagay, kasama ng kalikasan,  na ipinagpalit natin sa “yamang” bigay ng mina.

3. Kalikasan. Sustainable Development – ito ang gasgas na salitang patuloy na ginagamit sa industriyang turismo. Ngunit napigilan ba ang kontaminasyon ng tubig na dulot ng tinatawag nilang “mass tourism?” Napigilan ba ng pagkasira ng bahura dahil sa pagdagsa ng mga iresponsableng turista? Matagumpay ba ang DENR sa pangangalaga ng protected areas? O baka naman sila ang dahilan ng pagkasira nito?

Sa kalikasan nakasalalay hindi lang ang pangmatagalang industriyang turismo kundi na rin ang kasiguruhan sa pagkain. Ang maayos at organisadong pangangalaga ng kalikasan ang tunay na batayan ng kaunlaran.

4. Karunungan. Isa ring batayan ng pag-unlad ang karunungan at kaalaman. Ngunit hindi sapat ang pagpapatayo ng mga paaralan at hindi rin sapat ang mababang tuition fee, libreng aklat at karagdagang guro. Makikita ang pag-unlad sa kakayanan ng mga mag-aaral na mamuno, kasanayan sa larangan ng agham at malawak ng pag-unawa sa mga nangyayari sa bansa.

5. Moralidad. Ito ang pinakamataas na batayan ng pag-unlad. Kung sapat ang pagkain hindi na maiisipan ang magnakaw at manlamang ng kapwa. Kung sapat ang talino, may malawak na pang-unawa sa bawat isa. At kung malinis ang kalikasan, malinis din ang maiisip ng mga mamamayan.

Panahon na ba para iwan natin ang maka-dayuhang pananaw sa pag-unlad? Marahil ay hindi pa tayo handa. Maharil ay ayaw natin. Marahil ay mali ako.

7 responses to this post.

  1. batid kong ‘di mo basta sinulat ang mga nasa itaas, at ako man ay sumasang-ayon sa iyong mga nabanggit..marahil ay may mga bagay na pinipilit nateng isaksak sa ating sistema kahit hindi naman akma. hayaan mong idagdag ko ang ilan na may kinalaman sa iyong paksa.

    1. bakit ba tayo nakikipag sabayan kung talagang hindi naman kaya…at nagiging bulag na alipin ang napakaraming naghihirap na pilipino.
    2. nasaan kami ngayong ng katulad kong milyong-milyong pilipino, naririrto kami sa abroad at nagsisilbi sa mga ibang lahi…habang ang iilan naman ang nagpapasasa sa mga kayamanang sanay sabay sabay nateng pinagyayaman sa ating bansa.
    3. hindi natin kailangang manisi ng iba kagaya ng nabanggit ko sa blog ko, sana ay may tapang tayo at determinasyon na ipagpatuloy ang mithiin ng isang tunay na pilipinong naghahangad ng kaunlaran, katahimikan at katuparan ng mga adhikain ng mga bayaning naghirap para sa ating bansa.
    4. bigyang prayoridad ang agrikultura, ‘yun ang nakikita kong isang mabuting bagay…talikuran na naten ang pangangarap naten na maging bansang katulad ng mga taga kanluran…nabababoy lang tayo at patuloy na nagagahasa ang ating bansa.

    Tugon

  2. sangayon ako sa lahat ng sinabi mo at sa sinabi ng unang nagbigay ng komento:) naalala ko tuloy yung poster sa may Pampangga. “KAUNLARAN PARA SA LAHAT” tas nakadikit ang litrato ng pangulo. Ok na sana kaso nakalagay ang poster sa tabi ng mga barong barong.

    Tugon

  3. Ang lahat ng ito ay tama, bagamat sa panahon ay pagbabago ang mali…masasabi kong mali dahil sa mga nakikita ko sa paligid ay walang tama. Ang pag unlad ay maisasakatuparan kung ang bawat isa sa atin ay may kakayahan para maipamalas kung ano ang mayron tayo. Subalit ang kung pati ang mga namumuno ay di nagpapakita ng kahalagahan at puro sariling interes lang wala ng maging kinabukasa ang bawat naghahangad nito. Kung lahat ng konseptong ito ay mawawalan ng saysay…..O maging isang bula at tuluyang maglaho ang lahat ng pinapangarap, sinisigaw ng lahat! KAUNLARAN! KAUNLARAN!ang kinabukasan?
    WALANG SAYSAY ANG KAUNLARAN KUNG MADAMING NASASAGASAAN…..KAYA’T PAYO KO ITULOY ANG LABAN PARA SA KINABUKASAN.

    Tugon

    • Ipinaskil ni brokenform noong Agosto 18, 2009 bandang 21:34

      salamat sa komento grace at snappy. sa tingin ko mahaba-haba pa ang lalakbayin natin sa pagbabago. sana magsimula sa puso ng bawat isa

      Tugon

  4. sang ayon ako sa #2 KALUSUGAN na laganap ang sakit…
    minsan nga ang patalastas ni mar roxas eh nakakatawa na lang parang totoo..
    “hindi raw pwede raw magkasakit ang mahirap?””
    malnutrisyon… naku napakarami nyan lalo na sa payatas nung nag wowork pa ako sa mga RVM Sisters….

    gusto ko tong post mo….now lang ako nakabisita abala sa aking ina….na may kagagaling lang sa karamdaman….
    na post ko na rin sya na may pahintulot naman nya :-)

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: