
Bente pesos na pose.
Lubos ang aking pagkadismaya sa nangyayari sa lipunan, kaya ipinasya kong pasukin na lamang ang mundo ng pagpipinta. Inihanda ko na ang kanbas, pintura at iba pang kagamitan sa pagpinta. Feeling artist na tuloy ako nito. Nagsimula ako sa pagpinta ngunit tila walang kalatoy-latoy ang nalikha kong larawan. Ngawit na ang modelo at irita na sa pabago-bagong pose na pinagawa sa kanya ngunit walang matinong sketch na nagawa. Tulad ng napagkasuduan, binayaran ko pa rin ng bente pesos ang modelo sa kanyang effort. Bagaman tinanaw n’yang malaking utang na loob ang bente pesos ay humirit ako ng isang huling pose. Pumayag naman si Modelo at nag-overtime nang walang karagdagang bayad.
Todo ang konsentrasyon ko dahil ayaw kong mapahiya sa modelo. Ngunit ayaw gumalaw kamay ko. “Masyado ka namang demanding.” Nanlaki ang aking mga mata nang marinig kong magsalita si Kamay. Aba! May buhay siya. “Masyado ka kaseng nagpapapaniwala sa mga guro ng sining. Ang pagbuo ng konsepto ay hindi sa lebel lamang ng utak. Hayaan mo akong mag-isip para sa ‘yo, bobo.” Na hurt ako d’un. Tinawag niya akong bobo. Gayunpaman, iginawad ko sa kanya ang minimithing independence at hinayaan ko s’yang gumalaw.
Aba! Gumalaw nga mag-isa si Kamay. At madamdamin ang kanyang pagguhit. Doon ko natanto na nasa kutob at hindi sa rason ang ganda ng sining, nasa piglas ng instinct at hindi sa tatag ng kamay. Unti-unti, nabuo ang larawan. Masaya ako sa resulta at pinauwi ko na ang modelo na tuwang-tuwa sa talent fee n’yang bente pesos.
Di ako makapaniwala na nagawa ko ang piyesa. Napatitig ako sa larawan. Maging ako ay di maarok ang ibig sabihin ng kanyang hugis. Sa aking pagtitig ay pumaimbulog ako sa misteryo ng aking pagkatao na nakintal sa kanbas, sa mga damdamin at memorya na hirap apuhapin sa dagat ng mga lumulutang na ideya. Dinig ko bawat pintig, hikbi at panaghoy. Ramdam ko ang init at lamig ng di maipaliwanag na damdamin. At nilamon ako ng nagpupuyos na unos ng galit at pangamba.
Naputol ang aking pagmumuni nang may mapansin akong kakatwa sa larawan; isang misteryong tanging si Kamay lamang ang makapagpapaliwanag. Tinimbang-timbang ko ang mga pangyayari, pinagtagni-tagni ang mga naging proseso. Ngunit nanatiling hiwaga pa rin sa ‘kin… …kung bakit naging KAMUKHA NI DIEGO ANG NASA LARAWAN.
Kabanata 15 ng seryeng kwentong dagta

Ipinaskil ni Lhen noong Hulyo 20, 2009 bandang 13:34
malalim talaga ang pagkakalathala ngunit nakakamangha
at pipilit pilitin mong ulit ulitin para intindihin…
kakaiba ka talga ka…
Ganda ng mga pinta….
Ipinaskil ni Lhen noong Hulyo 20, 2009 bandang 13:35
nagustuhan ko ang bagong header mo…
makahulugan ang bawat titig ng mga musmos
Ipinaskil ni brokenform noong Hulyo 20, 2009 bandang 13:37
salamat lhen… unang try ko yan sa mundo ng photography. un nga lang sa pagpipinta pa rin ang puso ko kaya bihira na uli ako makahawak ng camera
Ipinaskil ni lhen8 noong Hulyo 21, 2009 bandang 17:57
GANDA nga eh sepia ang drama ng shot mo sa header
ikaw pala ang kumuha? ang ganda ng composition
digi ba gamit mo dun o manual?
pero i’m sure digital kase iba talga ang pagkaka print sa sepia
sa digi at manual o lab…
ganda talga… wla naman pinagkaiba ang potograpiya sa pagpinta
pero iba pa rin ang paglikha sa pagpipinta… mas maraming tools
ako ang canvass ko lang when it comes of photography ay ang tao
kase ang tao ang bilang canvass ko pagdating sa portraiture tapos ang mga make-up ang mga pinaka pintura ko sa canvass kong tao at sabayan ng mga tatlong bumbilya o ilaw upang maging buhay ang labas nito … ung tinatawag na modeling light, softbox at ang backlight at para mas maganda ang dating ng liwanag ginagamitan ng reflector
samantalang ang pagpinta lahat gawang kamay…
kaya mas mahirap ang magpinta…at mas kaaya aya ang likha
Ipinaskil ni brokenform noong Hulyo 21, 2009 bandang 18:45
thanks. yup digi yan. actually, pareho namang maganda sya. magka iba lang ang dating. un lng medyo hirap ako sa photography. hirap kumuha ng magandang anggulo. at un ang di ko pa kabisado, ang lighting.
Ipinaskil ni lhen8 noong Hulyo 22, 2009 bandang 09:47
parang mga pinsel at mga kulay ng pintura mo ang lighting…
try mo kapatid may digi cam ka pala eh sa photoshop ka mag pinta o kya ULEAD photo express….
copy ko nga sa file ko mga pinta mo eh kase gagawin kong pang formation ng mga kabataan…. ini scan ko pa ang iba mong obra
Ipinaskil ni brokenform noong Hulyo 22, 2009 bandang 12:21
salamat sa payo… try ko pla un
isang karangalan sa akin ang magamit ang mga pinta ko sa pagtuturo mo.
nai-i-inspire tuloy ako na balikan ang pagbibigay ng katekismo
Ipinaskil ni Miss Sparrow noong Hulyo 22, 2009 bandang 08:14
ok ang blog mo. gusto ko to
Ipinaskil ni brokenform noong Hulyo 22, 2009 bandang 12:21
salamat po sa pag appreciate
Ipinaskil ni lhen8 noong Hulyo 24, 2009 bandang 13:26
Naku natuwa naman ako sa sinabi mo….
bakit hindi…
balikan mo ang pagkakatesismo….
isang magandang daan ka para makilala
sa tamang hantungan ang mga maaaring makinig
sayo at gamitin mo ang mga likha mo….
Ipinaskil ni brokenform noong Hulyo 24, 2009 bandang 18:03
try ko kausapin ang bago namin kura paroko…
…at syempre praktis uli. and this time gagawa ako ng powerpoint presentation
Ipinaskil ni lhen8 noong Hulyo 27, 2009 bandang 10:46
wow!!! sosyal naman hi-tech pa talaga ang pagkakatesismo … naka LCD? aba hindi pinapraktis yan… hinihingi sa banal na espiritu santo ang pagtuturo…hayaan mo ang banal na espiritu santo ang kumilos sa iyong puso, likha at pananalita…
malalim na pakikipag ugnayan lang naman kay bro ang tanging kelangan… ako nun kase praktis ng praktis hindi ko rin nagawa ang pinraktis… kung ano pa ang biglaang pagtuturo, dun ko pa nagawa ng maluwalhati….
Ipinaskil ni brokenform noong Hulyo 27, 2009 bandang 15:25
tama ka. pero my gusto pa muna akong ayusin sa windang kong sarili. pero kung darating bigla ang tawag tatanggapin ko na hamon…
Ipinaskil ni pink noong Disyembre 9, 2009 bandang 19:45
tapos? unya? unsa labot namo..