Basang Larawan sa Dingding

basa pa rin 'to hanggang ngayon

basa pa rin 'to hanggang ngayon

Matapos mai-deliver ang bagong painting sa Balay Tubay, umorder ako ng isang malamig na beer. Tulad ng nakasanayang ritwal, tinitigan ko ang basa pang larawan sa dingding, na matagal pang matutuyo dahil sa langis na pintura, habang dumadaloy ang alkohol sa aking mga ugat at habang nakikinig sa kanta ni Loi.

Matagal kong pinagmasdan ang piyesa. Tila hinihigop kong muli ang hiningang aking ibinuga sa kanya habang nililikha ko s’ya. Nagtaka ako kung bakit walang bumabalik na hininga sa akin. Humigop akong muli. Ayun nahigop ko ang usok ng sigarilyong nalipana sa loob ng bar.

Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa pakikipagkwentuhan kay Top-Top. Nabalik ang topic sa kabuangan sa art. Tumatawang nakisalo si Bong sa kwentuhan. Ngunit nang mabanggit ko ang ‘ikatlong dimensyon,’ biglang naging seryoso ang mukha niya. Mula sa ngisi ay nauwi ito sa mukha ng isang concerned na pinsan. “Boy, okey lang maging buang ka d’yan sa art mo, pero wag mo naman seryosohin ang kabuangan,” payo n’ya.

Hating-gabi na nang makaramdam ako ng gutom. Omorder ako ng fried chicken at bago ko kinain sinabi ko kay bong, “Ang buang…   …madalas magutom.” Ngumiti lang si Bong at umiiling tuwing mababanggit ko ang salitang ‘ikatlong dimensyon.’

Umuwi akong susuray-suray ngunit determinado akong ipagpatuloy ang kabaliwang tinatahak ko ngayon. Hindi man ako maunawan ng iba, masaya akong maglalakbay at patuloy na mamumuhay sa mga hugis na nabuo sa aking kaisipan. At ang mga hugis na ito ay patuloy kong ihihinga sa mga basang larawang isasabit sa mga dingding ng Balay Tubay.

About these ads

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: